Kim Chiu at Zeinab Harake, nabigyan ng Php100,000 ang isang working student

Kim Chiu at Zeinab Harake, nabigyan ng Php100,000 ang isang working student

- Nabigyan ng maagang pamasko ang isang working student na fan ng vlogger na si Zeinab Harake

- Sa bagong 'Santa Zebby' episode, nakasama naman ni Zeinab si Kim Chiu

- Makulit na naglaro si Kim na ang mapapanalunan ay siyang ibibigay sa fan ni Zeinab

- Bukod sa Php64,000 na handog ni Zeinab bilang napanalunan sa kanyang palaro, dinagdagan pa ito ni Kim ng Php36,000 para buong Php100,000 ang matanggap ng fan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isan makulit na collab video ang kinalabasan ng pagsasama nina Kim Chiu at Zeinab Harake.

Nalaman ng KAMI na bahagi ito ng Christmas vlog ni Zeinab kung saan isa siyang 'Santa Zebby' na namimigay ng biyaya sa mga mapipili nilang matutulungan.

Sa episode na ito, napaglaro ni Zeinab si Kim kung saan ang Christmas balls na kailangan niyang ilagay sa Christmas treee ay may katumbas na halaga.

Read also

62-anyos na magsasaka, 'di nagdalawang-isip na isauli ang bag na may lamang Php36,000

Kim Chiu at Zeinab Harake, nabigyan ng Php10,000 ang isang working student
Photo: Zeinab Harake
Source: Facebook

Php5,000 para sa pulang Christmas balls at Php1,000 naman para sa gintong Christmas balls.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Game na game naman si Kim sa pagtakbo para makarami siya ng mga isasabit sa Christmas tree at para maging masaya ang Pasko ng 22-anyos na working student na fan ni Zeinab na masuwerteng matutulungan nila.

Php54,000 ang kabuuan ng katumbas na halaga ng mga mnakuha ni Kim at additional Php10,000 na automatic na binibigay ni Zeinab sa mga napipili niyang tulungan.

"Magkano pa ba kulang? 36? O dadagdagan ko ng Php36,000 para maging Php100,000!" ang agad namang nasabi ni Kim kaya umabot sa Php100,000 ang maiuuwi ng working student.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Zeinab Harake:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga highest-paid vlogger sa bansa. Kasalukuyan na siyang may mahigit na 11 million YouTube subscribers.

Read also

Magsasaka sa KMJS na nagpaiyak sa marami, muling nabigyan ng tulong

Isa na ngayon sa mga pinakaabangang vlog ng kanyang mga subscribers ay ang buwanang photoshoot ng kanyang anak na si Baby Bia.

Sa tuwing magdiriwang kasi ito ng monthsary, iba't-ibang Disney Princess ang ibinibihis sa kanya ng kanyang Mommy Zeinab. Nito lamang nakaraang buwan, mismong ang kanyang Daddy Skusta Clee ang naging photographer ni Baby Bia.

Bukod sa labis na pagiging mapagmahal sa pamilya at pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan, kinakitaan din ng pagiging galante at mapagbigay ni Zeinab sa kanyang mga kaibigan.

Matatandaang umabot sa tumataginting na Php200,000 ang kanyang binayaran nang ipinamili niya ng damit ang kanyang 'Team Zebbies.'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel