Zeinab Harake at Luis Manzano, nabigyan ng Php76,000 ang misis ng isang may sakit

Zeinab Harake at Luis Manzano, nabigyan ng Php76,000 ang misis ng isang may sakit

- Nabigyan nina Zeinab Harake at Luis Manzano ng Php76,000 ang napili ni Zeinab na matulungan ngayong Kapaskuhan

- Sa kanilang collab, ginawa ni Luiz ang flip bottle challenge kung saan nakasalalay ang halaga ng makukuha ng tutulungan nila ni Zeinab

- Umabot ito ng Php28,000 at may pauna pang bigay si Zeinab na Php10,000

- Pinantayan din ito ni Luis na masaya rin at nakatulong sila sa kapwang nangangailangan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging makabuluhan ang unang pagkikita nina Zeinab Harake at Luis Manzano.

Nalaman ng KAMI na guest ni Zeinab sa kanyang 'Santa Zebby' vlog si Luis na naglaro ng Flip the bottle challenge.

Dito nakasalalay ang halaga ng ibibigay ni Zeinab sa napili niyang bigyan ng tulong na isang misis ng may karamdaman.

Zeinab Harake at Luis Manzano, nabigyan ng Php76,000 ang misis ng isang may sakit
Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Facebook

Napagtagumpayan naman ito ni Luis kaya naman tumataginting na Php28,000 ang halaga ng makukuha ng misis.

Read also

Bulag, buwis-buhay na nangunguha ng kawayang gagawing alkansya para mailako

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit dahil may pauna nang Php10,000 na naipangako si Zeinab kaya naman Php38,000 ang maibibigay nito sa misis na may asawang diabetic at may sakit sa kidney.

Hindi naman nagpatinag si Luis at pinantayan din ang halagang ibinigay ni Zeinab.

"Napakaganda na kung kailan tayo unang nagkakilala ay mayroon pa tayong nagawang maganda sa kapwa"

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Zeinab Harake:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga highest-paid vlogger sa bansa. Kasalukuyan na siyang may mahigit na 11 million YouTube subscribers.

Isa na ngayon sa mga pinakaabangang vlog ng kanyang mga subscribers ay ang buwanang photoshoot ng kanyang anak na si Baby Bia.

Sa tuwing magdiriwang kasi ito ng monthsary, iba't-ibang Disney Princess ang ibinibihis sa kanya ng kanyang Mommy Zeinab. Nito lamang nakaraang buwan, mismong ang kanyang Daddy Skusta Clee ang naging photographer ni Baby Bia.

Read also

Zeinab Harake, nilamig nang husto sa kanyang birthday photoshoot; "ikamamatay ko ang lamig!"

Bukod sa labis na pagiging mapagmahal sa pamilya at pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan, kinakitaan din ng pagiging galante at mapagbigay ni Zeinab sa kanyang mga kaibigan.

Matatandaang umabot sa tumataginting na Php200,000 ang kanyang binayaran nang ipinamili niya ng damit ang kanyang 'Team Zebbies.'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel