Dennis at Jennylyn, idinetalye ang mga kaganapan sa kanilang civil wedding

Dennis at Jennylyn, idinetalye ang mga kaganapan sa kanilang civil wedding

- Ikinuwento mismo nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang mga kaganapan sa kanilang civil wedding

- Ginanap ito noong Nobyembre 15, ilang linggo matapos nilang ibahagi ang kanilang engagement at kumpirmahin ang pagdadalang-tao ni Jennlyn

- Pinasalamatan din nila ang lahat ng mga tumulong sa kanilang simple ngunit memorable na kasalan

- Ipinakita rin nila ang video na kuha ng Niceprint photography sa kanilang pag-iisang dibdib

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Masayang ikinuwento nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang detalye ng mga naganap sa kanilang civil wedding noong Nobyembre 15.

Matatandaang isang larawan ng seremonya ang gumulantang sa publiko kung saan makikita ang dalawa na ikinasal na.

Ilang araw matapos ito, sinabi nina Jennylyn at Dennis na maraming nangyari sa araw ng kanilang wedding.

Dennis at Jennylyn, idinetalye ang mga kaganapan sa kanilang civil wedding
Dennis at Jennylyn (Photo from Jennylyn Mercado's YouTube channel)
Source: Facebook

Naroong sumakit nang husto ang ulo ni Jennyln habang ang si Dennis naman ay aminadong aligaga sa dami raw umano ng kanilang inintindi.

Read also

Short video ng kasalan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, viral

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito, mali pang kahon ng kanilang singsing ang kanyang nadampot ngunit nagawan ng paraan at naging maayos naman ang itinakbo ng seremonya.

Pinasalamatan din nila ang mga sponsors at iba pang mga taong tumulong sa kanila para maisakatupran ang simple ngunit napakagandang selebrasyon ng kanilang pagpapakasal.

Nabanggit din nila na ang gender reveal ng kanilang baby ay isinabay na rin sa kanilang wedding reception.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Jennylyn Mercado:

Si Jennylyn Mercado ay isang Pinay actress, singer, songwriter, at host ng GMA-7. Isa rin siya sa mga kilalang endorsers at commercial model sa bansa. Una siyang nakilala sa reality search na StarStruck ng GMA kung saan siya ang nanalo. Isa sa mga hindi malilimutan niyang pagganap ay ang Pinoy remake ng "Descendants of the Sun".

Read also

Mga naipamili ni Hash sa grocery challenge niya kay Mama Alawi, ipinamigay din nila

Si "Jen" ang longtime girlfriend at ngayo'y asawa na siya ni Dennis Trillo. Mayroon nang isang anak na lalake si Jen na si Alex Jazz sa dating nakarelasyon sa showbiz na si Patrick Garcia.

Matatandaang matapos ang biglang pagkatigil ni Jen sa taping ng Love, Die, Repeat, agad na umugong ang balitang nagdadalang tao nga ang aktres.

Oktubre 29, in-upload nila ang YouTube video ng engagement nila ni Dennis Trillo matapos ang interview sa kanila ng 24 Oras kung saan naman nila kinumpirma ang balitang buntis si Jen.

At nito lamang Nobyembre 15, naibahagi ni Jennylyn sa kanyang Facebook page na ikinasal na sila ni Dennis Trillo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel