Mga naipamili ni Hash sa grocery challenge niya kay Mama Alawi, ipinamigay din nila

Mga naipamili ni Hash sa grocery challenge niya kay Mama Alawi, ipinamigay din nila

- Muling hinangaan ng marami ang pamilya Alawi matapos na ipamigay nila ang mga nabili sa grocery challenge

- Binigyan kasi ni Hash ng limang minuto ang ina na bilhin ang lahat ng kaya nitong damputin sa isang supermarket

- At dahil nakita niyang tila hinihingal na ang ina sa kakamadaling makakuha ng marami, binigyan pa niya ito ng karagdagang 15 minuto

- Ang nakamamangha pa sa kanilang ginawa, ipamimigay pala nila ito sa mga taong nananatili lamang sa lansangan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Umiral na naman ang kabutihan ng pamilya Alawi nang gawin nila ang 'Buying everything that you can get in five minutes'.

Nalaman ng KAMI na matagal na nilang pinaplano ito subalit nag-iingat pa rin sa COVID-19 kaya naman natagalan bago nila ito maisakatuparan.

Mga naipamili ni Hash sa grocery challenge niya kay Mama Alawi, ipinamigay din nila
Hashim Alawi (Photo from Hash Alawi)
Source: Facebook

Dinala ni Hash Alawi ang kanilang Mama Alawi sa isang supermarket at binigyan niya ito ng limang minuto para damputin ang lahat ng nais nitong bilhin.

Read also

Chad Kinis, isa nang 'dada'; ipinakilala ang anak na si Rica Lorice

Nang makita niyang tila napapagod at hinihingal na ang ina sa kakamadali, binigyan pa niya ito ng extra 15 minutes upang mas marami pa rin itong makuha.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang nakakabilib pa sa pamilya Alawi, ipamimigay pala nila ang ang lahat ng pinaghirapang damputin ng kanilang ina.

Ni-repack lamang nila ito at agad na ibinahagi sa mga taong nangangailangan na kanilang nadaanan.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Hash Alawi:

Si Hash Alawi ay isa sa mga kapatid ng actress at YouTube star na si Ivana Alawi. Matapos na makita sa ilang mga vlogs ni Ivana, nagkaroon na rin ng sariling YouTube channel si Hash kung saan mahigit na sa isang milyon ang kanyang mga subscribers.

Nang makaabot siya ng one million subscribers sa YouTube, naisipan ni Hash na mamahagi ng mga smartphones at tablet na maaring magamit ng mga estudyante sa kanilang online class.

Read also

Dating sumisisid ng barya sa pier, may masters degree na ngayon

Sa isang vlog ni Ivana, naisahan na naman siya ni Hash kung saan nauwi sa prank ang dapat sana'y 'who's gonna pay challenge' nilang magkapatid.

Gayunpaman, isa pa muling prank ang ginawa nila kay Hash kung saan hindi nila ito pinansin for 24 hours para lamang surpresahin ito ni Ivana ng mamahaling motorsiklo na gustong-gusto raw nito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel