Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, natupad ang hiling na magkaroon ng baby girl

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, natupad ang hiling na magkaroon ng baby girl

- Ibinahagi nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang mga kaganapan sa kanilang gender reveal

-Isinabay na rin nila ito sa reception ng kanilang civil wedding noong Nobyembre 15

- Kwento ng Kapuso couple, hiling talaga nila ang magkaroon ng baby girl gayung pareho nang boy ang kanilang mga anak

- Maging ang kanilang pamilya ay masaya at naging emosyonal sa pagkakaroon ng panibagong biyaya sa kanila

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Masayang ibinahagi ng newlyweds na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang mga naging kaganapan sa gender reveal ng kanilang baby.

Nalaman ng KAMI na isinabay ito sa reception ng kanilang civil wedding noong Nobyembre 15.

Ayon kina Jennylyn at Dennis, nang malaman din ng kanilang family na buntis ang aktres, hiling din ng mga ito na baby girl naman sana ang ipagkaloob sa dalawa.

Read also

Bagong vlog nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy, kinagiliwan ng kanilang mga ka-maintenance

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo (Photo from Jennylyn Mercado's YouTube channel)
Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, natupad ang hiling na magkaroon ng baby girl
Source: Instagram

Lalo na ang mommy ni Dennis na nag-aalay pa umano ng eggs sa Santa Clara sa hiling na maging baby girl ang dinadala ni Jennylyn.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Super cute and sweet naman ang naging proseso ng gender reveal. Bukod sa cake na siyang magpapakita ng kulay kung girl o boy ang baby, binigyan ng mga desserts ang kanilang bisita kung saan nakita rin ng mga ito ang color pink na ang ibig sabihin ay girl ang baby nina Jen at Dennis.

"Sa wakas, magkakababae na tayo!" ang masayang nasabi ni Jen matapos na pasalamatan ang lahat ng taong nakisaya sa kanilang double celebration.

Narito ang part 6 ng kanilang After All vlog na mapapanood sa YouTube channel ni Jennylyn Mercado:

Si Jennylyn Mercado ay isang Pinay actress, singer, songwriter, at host ng GMA-7. Isa rin siya sa mga kilalang endorsers at commercial model sa bansa. Una siyang nakilala sa reality search na StarStruck ng GMA kung saan siya ang nanalo. Isa sa mga hindi malilimutan niyang pagganap ay ang Pinoy remake ng "Descendants of the Sun".

Read also

TJ Valderrama sa isyu ng harassment sa PBB: "Magkakailangan 'yan, for sure"

Si "Jen" ang longtime girlfriend at ngayo'y asawa na siya ni Dennis Trillo. Mayroon nang isang anak na lalake si Jen na si Alex Jazz sa dating nakarelasyon sa showbiz na si Patrick Garcia.

Matatandaang matapos ang biglang pagkatigil ni Jen sa taping ng Love, Die, Repeat, agad na umugong ang balitang nagdadalang tao nga ang aktres.

Oktubre 29, in-upload nila ang YouTube video ng engagement nila ni Dennis Trillo matapos ang interview sa kanila ng 24 Oras kung saan naman nila kinumpirma ang balitang buntis si Jen.

At nito lamang Nobyembre 15, naibahagi ni Jennylyn sa kanyang Facebook page na ikinasal na sila ni Dennis Trillo.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel