Bagong vlog nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy, kinagiliwan ng kanilang mga ka-maintenance

Bagong vlog nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy, kinagiliwan ng kanilang mga ka-maintenance

- Aliw na aliw ang mga netizens sa Part 2 ng birthday celebration ni Mommy Pinty sa 'The Farm'

- Nakikita umano ng netizens si Toni kay Mommy Pinty habang ang kakulitan naman ni Alex ay nakikita nila kay Daddy Bonoy

- Sa video makikita ang ilang mga activities na ginawa pa nila sa 'The Farm' na bagay na bagay daw sa kanilang edad at sa kanilang mga ka-maintenance

- Sa kakulitan ni Daddy Bonoy, naisip niyang magtayo ng 'maintenance party list' na labis na kinagiliwan ng kanyang mga tagapanood

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Mabilis na nag-viral ang bagong video ng 'BoPin' na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy Gonzaga.

Nalaman ng KAMI na ibinahagi na nila ang pat 2 ng birthday celebration ni Mommy Pinty sa The Farm.

Halos umpisa pa lamang ng video, puro kakulitan na agad ang nasasabi ni Daddy Bonoy kaya naman pansin ng mga netizens na tila sa kanya nagmana si Alex.

Read also

PBB TJ, nanawagan sa kanyang dalawang supporters: "Yung isa nanay ko pa, joke!"

Bagong vlog nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy, kinagiliwan ng kanilang mga ka-maintenance
Mommy Pinty at Daddy Bonoy Gonzaga (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Samantala, ang pagiging seryoso naman ni Toni ay nakikita raw ng netizens sa kanilang mommy Pinty.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ipinakita rin nila ang ilang mga activity na ginawa nila sa The Farm bukod sa party para kay Mommy Pinty.

"Ito ang tsaa ko, ito naman ang tsaa ni Pinty, pag pinagsama... cha-cha. Mamaya mag-chacha kami ni Mommy," Ang isa sa mga sample na nakakatuwang banat ni Daddy Bonoy.

Naisip din nitong magkaroon ng party list at papangalanan daw niya itong 'maintenance party list.'

Narito ang kabuuan ng makulit at nakakatuwang video ng 'BoPin' mula sa YouTube channel na Bonoy & Pinty Gonzaga:

Sina Bonoy at Pinty Gonzaga ang mga magulang nina actress at TV hosts na sina Toni at Alex Gonzaga.

Kamakailan lamang nang sila ay magsimula na rin na mag-vlog subalit mabilis silang nagkaroon ng mahigit isang milyong subscribers. Marami raw kasi ang natutuwa sa dalawa na kaya talagang mag-entertain sa kanilang vlog kahit wala ang dalawang mga anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel