Wilbert Tolentino, pinasalamatan ang mga vlogger friends na todo suporta kay Madam Inutz

Wilbert Tolentino, pinasalamatan ang mga vlogger friends na todo suporta kay Madam Inutz

- Todo ang suporta ni Wilbert Tolentino sa alaga niyang si Madam Inutz na isa sa mga nominado ngayong linggo sa Pinoy Big Brother house

- Katunayan, pati ang kanyang mga kaibigang vloggers ay todo suporta na rin kay Madam Inutz

- Pinasalamatan naman sila ni Wilbert dahil maging sa social media page ng mga sikat at kilalang vlogger ay makikitang nanawagan silang suportahan na maligtas si Madam Inutz

- Matatandaang minsan nang nagbagsak ng malaking halaga ng diamonds sa Kumu si Wilbert sa unang beses na maging nominado si Madam Inutz

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi matatawaran ang suporta ni Wilbert Tolentino sa kanyang alagang si Madam Inutz na muli na namang naging nominado ngayong linggo sa Pinoy Big Brother house.

Nalaman ng KAMI na sa kabila ng minsang pagkadismaya ni 'Sir Wil' kay Madam Inutz na hindi pa raw umano marunong sa 'strategy,' hindi pa rin niya ito pinabayaan.

Read also

Sir Wil, todo suporta kay Madam Inutz: "Kahit tissue lang ulamin ko hanggang 2025"

Sa series ng mga tweet ni 'Sir Wil', ibinahagi nito ang patuloy na pagsuporta kay Madam Inutz lalong-lalo na at para raw sa pamilya nito.

Wilbert Tolentino, pinasalamatan ang mga vlogger friends na todo suporta kay Madam Inutz
Wilbert Tolentino kasama si Madam Inutz (Photo from Daisylicious_Ukay)
Source: Facebook

Katunayan, pati ang mga tulad niyang sikat at kilalang vloggers ay kanya ring pinasalamatan dahil sa pagpapakita nito ng support kay Madam Inutz.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Makikita rin kasi sa mga social media page ng mga ito ang panawagan sa kanilang mga followers at fans na isalba si Madam Inutz sa linggong ito parar manatili pa rin sa Bahay ni Kuya.

Ilan sa mga ito ay sina Chad Kinis ng Beks Batallion, Zeinab Harake, Jelai Andres at Angelica Yap.

Narito ang ilang sa kanilang mga tweet:

Si Wilbert Tolentino ay isang negosyante sa Pilipinas. Makikita ang kanyang pagiging pilantropo sa ilan sa kanyang mga vlogs na mapapanood sa kanyang YouTube channel. Hindi lamang puro entertainment ang hatid ng kanyang mga video kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa.

Read also

Wilbert Tolentino sa nominadong si Madam Inutz: "Itlog nalang ulam ko hanggang year 2025"

Talent manager din siya ng ilang mga kilalang vloggers sa bansa at isa sa kanyang mga alaga ay ang nag-viral na online seller na si Madam Inutz.

Ngayon, naging aktibo na rin si Madam Inutz sa kanyang YouTube channel sa tulong ng kanyang manager na madalas siyang kasa-kasama sa mga videos nito.

Isa rin si Madam Inutz sa mga official housemates ni Kuya sa Pinoy Big Brother Season 10. Bago pumasok sa bahay ni Kuya, ibinigay na ni Wilbert ang kanyang regalong bahay at lupa kay Madam Inutz para magsilbing motivation nito sa pagsabak sa PBB.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel