Gary V sa kanta niyang 'Take me out of the dark': "It's never a performance"

Gary V sa kanta niyang 'Take me out of the dark': "It's never a performance"

- Isang makabuluhang panayam ang ibinahagi ni Toni Gonzaga kasama ang nag-iisang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano

- Napag-usapan nila ang tungkol sa pag-usbong ng career nito sa entertainment industry hanggang sa pagkakaroon niya ng matitinding pagsubok dahil sa kanyang karamdaman

- Inalala niya kung paano niya nalampasan ang mga agaw-buhay na nangyari sa kanya mula 2018

- Dahil dito, masasabi niya na tuwing inaawit niya ang 'Take me out of the dark,' ibinibahagi rin niya ang kwento ng kanyang buhay kung paano umano siya natulungan ng Diyos

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakakaantig ng puso ang naging interview ni Toni Ginzaga kay Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano.

Maraming makabuluhang bagay ang naibahagi ni Gary V mula sa pag-usbong ng kanyang showbiz career hanggang sa pagkakaroon na niya ng karamdaman.

Read also

Cochi ni Marvin, tinatangkilik pa rin: "We are roasting now your cochi orders"

Nalaman ng KAMI na isa sa kanyang naibahagi ay ang tungkol sa kanta niyang 'Take me out of the dark,' na hindi lamang niya inaawit kundi pagkikwento mismo ng sarili niyang karanasan at katotohanan kung paano siya sinalba ng Diyos maging sa bingit ng kamatayan.

Gary V sa kanta niyang 'Take me out of the dark': "It's never a performance"
Gary Valenciano (Photo from Toni Gonzaga Studio)
Source: Facebook

Inalala niya ang nangyari sa kanya noong taong 2018 habang nagtatanghal siya sa entablado kasama pa naman ang kanyang anak na si Gab.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"I knew it was scary, because I knew that there was something wrong," pagbabalik-tanaw niya.

Mula sa sitwasyong iyon, naging sunod-sunod na ang naging komplikasyon mula sa kanyang puso na sinundan naman ng naging problema naman sa kanyang kidney.

Sa dami ng kanyang nalampasang pagsubok, ang awitin niyang 'Take me out of the dark' ay hindi lamang umano niya kinakanta, ito raw mismo ang kwento ng kanyang buhay.

Read also

Virgelyn, namahagi ng pera sa mga magsasaka at sa mga nadaanan sa lansangan

"That's why whenever I do 'Take me out of the dark,' it's never a performance. I'm speaking based on experience, I'm singing based on truth that I wanna share with others because it's meant to be true in other people's lives as well."

Narito ang kabuuan ng kanilang nakaantig ng pusong interview mula sa Toni Gonzaga Studio:

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Siya ang panganay na kapatid ng isa rin sa kilalang aktres, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga.

Isa sa mga pinakatutukang episodes ng kanyang YouTube channel ay nang maging panauhin niya ang iba't ibang 2022 presidentiables.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel