Cochi ni Marvin, tinatangkilik pa rin: "We are roasting now your cochi orders"

Cochi ni Marvin, tinatangkilik pa rin: "We are roasting now your cochi orders"

- Tuloy ang kontrobersyal na cochinillo business ni Marvin Agustin na kamakailan ay naging usap-usapan

- Sa kanyang post, sinabi niyang 'roasting' na sila ng orders ng kanilang mga customer para sa pagdiriwang ng Bagong Taon

- Matatandaang naglabas na rin ng pahayag si Marvin at humingi ng sorry sa kanyang mga customers na tila hindi na-satisfy kanyang 'cochinillo'

- Nagmungkahi pa si Ogie Diaz na i-refund daw dapat ni Marvin sa mga di nito na-satisfy na customer ang kanilang mga ibinayad

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tila unti-unti nang nakakabangon sa kontrobersiya ng kanyang 'cochinillo' si Marvin Agustin matapos na ipakita nito sa kanyang post na patuloy ang pagluluto nila ng orders ng kanyang mga tagatangkilik.

Nalaman ng KAMI na sa bisperas ng Bagong Taon, ibinahagi ni Marvin na pinaghandaan na nila nang husto ng mas maayos ang mga orders sa kanila ng kanyang famous na 'cochi.'

Read also

Gary V sa kanta niyang 'Take me out of the dark': "It's never a performance"

Marvin Agustin, tuloy ang cochinillo business: "Enjoy the Cochi we all worked hard for"
Marvin Agustin (@marvinagustin)
Source: Facebook

"We live and we learn to fight for another day. We are roasting now your COCHI orders," pagbibigay update ni Marvin.

"Enjoy the COCHI we all worked hard for to give you a delicious experience," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Una nang naglabas ng pahayag si Marvin tungkol sa naging problema at nag-sorry sa kanyang mga naging customer na tila hindi nasarapan sa kanyang kilalang produkto.

Samantala, narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Marvin Jay Marquez Cuyugan o mas kilala bilang si Marvin Agustin ay isang aktor, chef, at restaurateur sa Pilipinas. Nakilala siya sa kanyang pagganap sa mga pelikulang "Ang Tanging Ina", "Kutob" at "Flames: The Movie". Marami rin ang tumangkilik noon sa love team nila ni Jolina Magdangal.

Nitong Kapaskuhan, kabi-kabila ang tinanggap na batikos kay Marvin dahil sa kontrobersyal na produkto niya ang 'cochinillo.'

Read also

Ogie Diaz, nag-sorry sa netizens sa komentong 'refund' ng cochinillo ni Marvin

Matapos na ilabas ni Marvin ang kanyang opisyal na pahayag patungkol sa mga batikos umano sa kanya ng mga naging customers, nagbigay komento rin ang kilalang komedyante, entertainment columnist at host na si Ogie Diaz.

Ayon kay Ogie, malaking bagay na open si Marvin sa kritisismo at naniniwala siyang makakabawi ito sa mga hindi magandang nangyari. Nai-suggest din niya na i-refund ni Marvin sa mga hindi na-satisfy na customers ang kanilang ibinayad sa kontrobersyal na produkto.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel