Marvin Agustin sa kanyang mga customers: "I am very sorry to each one of you"

Marvin Agustin sa kanyang mga customers: "I am very sorry to each one of you"

- Nag-sorry si Marvin Agustin sa mga umano'y nagdismaya niyang customers lalo na noong Kapaskuhan

- Sa kanyang Instagram post, naglabas ng pahayag si Marvin kasabay ng pagpapaliwanag kung ano ang nangyari sa mga naging aberya sa orders sa kanya

- Gayunpaman, hiling din niya na sana'y mabigyan siya ng pagkakataong mapatunayang wala umano sa pagkatao niya ang magbigay ng problema o hirap sa mga tao

- Magsisilbing aral daw ito sa kanila at ipinangakong pagbubutihin lalo ang kanilang serbisyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"My worst Christmas, I will learn from this," ang bungad ni Marvin Agustin sa kanyang Instagram post isang araw matapos ang Pasko.

Nalaman ng KAMI na may kaugnayan umano ito sa kabi-kabilang aberya at pagkadismaya umano ng kanyang customers lalo na sa sikat na sikat niya ngayong produkto, ang 'cochinillo.'

Read also

Ogie Diaz sa kontrobersiyal na 'cochinillo' ni Marvin Agustin: "Kaya pa niyang bumawi"

Agad na nag-sorry si Marvin na inamin ang mga naging pagkukulang nila sa serbisyo lalo na ang masasakit na pahayag na kanya na raw nabasa.

Marvin Agustin sa kanyang mga customers: "I am very sorry to each one of you"
Marvin Agustin (@marvinagustin)
Source: Facebook
"I am very sorry to each one of you. Maling-mali na nagpa-overwhelm kami sa mga hindi inaasahang problema, nagkulang kami sa aming serbisyo, at hindi namin agad-agad na natugunan ang inyong mga katanungan. At masakit man 'yung mga nababasa ko, tinatanggap ko lahat kasi nagkamali ako."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hiling din ni Marvin na mabigyan pa siya ng pagkakataong mapatunayang wala sa pagkatao niya ang magbigay ng problema o hirap kaninoman.

Aniya, may mga hindi inaasahang pangyayari na naging dahilan ng sunod-sunod na problema. Gayunpaman, alam umano niyang hindi ito rason para hindi maibigay ng maayos ang kanilang serbisyo.

"Alam ko hindi ito excuse not to give you the service that you deserve and expect Lalo na sa araw na halos tatlong buwang pinaghahandaan ng bawat pamilyang Pilipino kung kaya't napakahalaga na huwag magkamali"

Read also

Wilbert sa mga pumuna sa muling pagkakasalba ni Madam Inutz: "Bakit ako pinupuntirya niyo?"

Siniguro naman ni Marvin na gumagawa sila ng mas maayos na paraan upang matugunan ang mga concerns ng customers na nagtiwala sa kanila.

Narito ang kabuuan ng post:

Si Marvin Jay Marquez Cuyugan o mas kilala bilang si Marvin Agustin ay isang aktor, chef, at restaurateur sa Pilipinas. Nakilala siya sa kanyang pagganap sa mga pelikulang "Ang Tanging Ina", "Kutob" at "Flames: The Movie". Marami rin ang tumangkilik noon sa love team nila ni Jolina Magdangal.

Matapos na ilabas ni Marvin ang kanyang opisyal na pahayag patungkol sa mga batikos umano sa kanya ng mga naging customers, nagbigay komento rin ang kilalang komedyante at entertainment columnist at host na si Ogie Diaz.

Ayon kay Ogie, malaking bagay na open si Marvin sa kritisismo at naniniwala siyang makakabawi ito sa mga hindi magandang nangyari.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel