Ogie Diaz sa kontrobersiyal na 'cochinillo' ni Marvin Agustin: "Kaya pa niyang bumawi"

Ogie Diaz sa kontrobersiyal na 'cochinillo' ni Marvin Agustin: "Kaya pa niyang bumawi"

- Isa umano si Ogie Diaz sa mga nagbigay ng pahayag patungkol sa kontrobersiyal ngayon na 'cochinillo' ni Marvin Agustin

- Una nang naglabas ng opisyal na pahayag si Marvin patungkol sa mga kaganapan kung saan maraming customers niya ang umano'y nadismaya

- Ipinaliwanag din ni Marvin kung bakit maraming cancellation ng orders at iba pang aberya ang naganap lalo na sa produkto niyang ito na biglang sikat kamakailan

- Samantala, naniniwala umano si Ogie D na makakabawi si Marvin sa kaganapang ito lalo na at bukas naman ito sa mga tinamong kritisismo dahil sa mga nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa ang komedyante at kilalang entertainment columnist at host na si Ogie Diaz sa mga nagbigay ng pahayag tungkol sa kontrobersyal ngayon na produkto ni Marvin Agustin, ang 'cochinillo.'

Sa mensaheng ipinadala niya mismo sa KAMI, ipinaliwanag ni Ogie D ang naging karanasan niya mismo nang matikman ang biglang sikat na 'cochinillo' ni Marvin.

Read also

Marvin Agustin sa kanyang mga customers: "I am very sorry to each one of you"

Ogie Diaz sa kontrobersiyal na 'cochinillo' ni Marvin Agustin: "Kaya pa niyang bumawi"
Photo: Ogie Diaz
Source: Facebook

Una niyang nai-post ang paghahanap niya ng masarap na cochinillo at may nagkomento at nag-suggest sa kanya na subukan ang gawa ni Marvin Agustin.

"Nagsimula lang sa post ko na looking ako for masarap na cochinillo. Tapos may nag-suggest na kay Marvin. Tapos nag-comment na kami ni Darryl Yap," panimula ni Ogie.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Naka-attend lang ako ng party ng isang friend na super disappointed sa cochinillo ni Marvin kasi ang mahal daw pero hindi nasarapan. Hype lang daw. When I tasted it myself true nga, Saka 'yung special sauce mantika rin. So mantika na 'yung pork, sa mantika mo pa rin isasawsaw."

"Siguro hindi lang kasundo ng panlasa ko as compared sa iba na nasarapan naman," paglilinaw ni Ogie.

Gayunpaman, hinangaan niya si Marvin na una nang naglabas ng kanyang statement patungkol sa mga nangyari.

Read also

Toni Gonzaga, napaiyak habang nagbibigay ng mensahe sa kanyang Uncle Jojo

"Nakakatuwa si Marvin dahil open siya sa criticisms. Kaya feeling ko ma-improve pa niya yan. Kaya pa niyang bumawi," ani Ogie D.

"Sana lang ma-improve pa. Sayang ang sinimulan kung sa wala mapupunta lalo na at kilala sa pagkain si Marvin," dagdag pa niya.

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Isa nga sa mga naitampok niya sa kanyang channel ay si Dr. Vicki Belo na naikwento kung bakit ayaw niyang binabati siya sa kanyang kaarawan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel