Toni Gonzaga, napaiyak habang nagbibigay ng mensahe sa kanyang Uncle Jojo

Toni Gonzaga, napaiyak habang nagbibigay ng mensahe sa kanyang Uncle Jojo

- Hindi napigilan ni Toni Gonzaga na maluha habang nagbibigay siya ng mensahe para sa kanyang Uncle Jojo

- Ang kanyang Uncle Jojo ang naging panauhin nito sa pinakabagong vlog niya na inilabas ngayong Disyembre 26

- Naikwento kasi nito ang tungkol sa sarili niyang pamilya kung saan mayroon siyang dalawang mga anak

- Tulad ng hiling ng kanyang Uncle Jojo, dasal din nina Toni na makasama na rin madalas ng kanyang tiyo ang mga anak nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Talagang napaluha si Toni Gonzaga habang nagbibigay mensahe para sa kanilang pinakamamahal na Unclo Jojo.

Nalaman ng KAMI na ang kanilang Uncle Jojo ay kapatid ni Mommy Pinty na kasa-kasama lagi ng kanilang pamilya.

Toni Gonzaga, napaiyak habang nagbibigay ng mensahe sa kanyang Uncle Jojo
Toni and Alex Gonzaga
Source: Instagram

Lingid sa kaalaman ng lahat, may sariling pamilya si Uncle Jojo subalit hindi sila nagkasundo ng ina ng dalawa niyang mga anak.

Read also

Ivana Alawi, dinagdagan ang tulong na Php105,000 ni Zeinab Harake para sa batang may sakit

Gayunpaman, hiling parin ni Uncle Jojo na makasama na niya ang mga anak 'paggising pa lang sa umaga' at maging kaibigan na rin niya ang ina ng mga ito na hiningan na rin niya ng tawad.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ito rin daw ang hiling ni Toni para sa kanilang tito na siya ring nag-alaga sa kanila ni Alex mula pagkabata.

"Pero 'yun ang prayer din namin lagi kay Uncle, tuwing kausap namin siya and we're very blessed na we have an uncle like... Naiiyak ako. Alam mo hindi ako naiiyak kay Mommy Pinty at saka sa Daddy ah. Naiiyak ako sa'yo."

Alam daw ni Toni na tuwing kasama nila ang kanilang Uncle Jojo, alam niyang hinihiling din nito na kumpleto rin sana ang kanyang pamilya.

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Siya ang panganay na kapatid ng isa rin sa kilalang aktres, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga.

Read also

Mga sanggol na nagkapalit sa ospital, pinamaskuhan ng kanilang Ninang Jessica Soho

Kasama sa Metro Manila Film Festival ang pelikula nina Alex at Toni na The ExorSis.

Kamakailan, na-prank niya ang kapatid na si Alex sa mismong set ng kanilang bagong pelikula.

Subalit bukod kay Alex, tila mas ninerbyos pa umano si Melai Cantiveros na kaeksena noon ni Toni nang magkunwari siyang bumulagta at mawalan ng malay. Natakot daw si Melai gayung alam niyang wala sa script ang nangyari kay Toni.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel