Toni Gonzaga, na-prank ang kapatid na si Alex pero mas ninerbyos si Melai Cantiveros

Toni Gonzaga, na-prank ang kapatid na si Alex pero mas ninerbyos si Melai Cantiveros

- Na-prank ni Toni Gonzaga ang kanyang kapatid na mas mahilig na mag-prank na si Alex Gonzaga

- Sa set ng kanilang pelikulang The ExorSis, kasabwat ni Toni ang halos lahat ng crew maging ang direktor sa gagawing prank kay Alex

- Talagang napatigil sa pag-arte si Alex at sumigaw agad ng 'ang ate!' dahil wala umano sa script ang ginawa nito

- Subalit bukod kay Alex, ang kanilang co-star na si Melai Cantiveros ay naiyak sa sobrang nerbyos sa pag-aakalang may hindi magandang nangyari kay Toni

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nabiktima ng prank ni Toni Gonzaga ang kanyang kapatid na si Alex Gonzaga.

Nalaman ng KAMI na madalas daw sabihin kasi ni Alex na hinding-hindi siya mapa-prank ninoman kaya naman naisip ni Toni na gawin ito sa kapatid.

Sa set ng kanilang upcoming movie na The ExorSis, naisipan ni Toni na gawin ang prank.

Toni Gonzaga, na-prank ang kapatid na si Alex pero mas ninerbyos si Melai Cantiveros
Toni and Alex Gonzaga
Source: Instagram

Ito ay sa eksena kung saan labis na nakakatakot ang pangyayari gayung horror-comedy ang pelikula.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasbwat ni Toni ang mga staff at crew maging ang direktor at line producer nila na alam ang bawat magaganap.

Umaga pa lamang, nagpaparamdam na kunwari si Toni na wala ito halos tulog at may kataasan ang kanyang blood pressure.

Sa naturang eksena kung saan tila sinasaniban si Alex, biglang hinimatay kunwari si Toni na wala naman umano sa script.

Ang kaeksena niyang si Melai Cantiveros, labis na nagulat gayung wala siyang kaalam-alam tungkol sa prank.

Biglang bangon naman si Alex at sumigaw para matulungan ang kanyang ate na bigla na lang bumulagta.

Para mas maging katotohanan ang eksena, dinala pa sa ambulansya si Toni at pinaandar ito sandali.

Sa kanilang pagbalik sa set, doon niya nabanggit na prank lamang ang lahat. Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel n Toni Gonzaga Studio:

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Siya ang panganay na kapatid ng isa rin sa kilalang aktres, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga.

Kasama sa Metro Manila Film Festival ang pelikula nina Alex at Toni na The ExorSis.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel