Ogie Diaz Kay Madam Inutz: "Kahit 'di pa siya puwesto 'dun may career na siya"

Ogie Diaz Kay Madam Inutz: "Kahit 'di pa siya puwesto 'dun may career na siya"

- Nagbigay ng pahayag si Ogie Diaz patungkol sa naging reaksyon ni Wilbert Tolentino sa pagiging nominado muli ng alagang si Madam Inutz

- Para kay Ogie, nasabi niyang may career na si Madam Inutz sakaling di man ito palarin sa final 5 ng

- Aniya, nagmarka naman na si Madam Inutz sa publiko at isa ang kanyang online selling sa maari nitong balikan

- Gayunpaman, alam niyang hindi hindi pa rin pababayaan ni Wilbert Tolentino si Madam Inutz sa loob man o sa labas ng bahay ni Kuya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagbigay ng saloobin si Ogie Diaz patungkol sa naging kontrobersyal na pahayag ni Wilbert Tolentino sa alaga niyang si Madam Inutz sa laban nito sa bahay ni Kuya.

Nalaman ng KAMI na matapos ang positive nomination kung saan nanganib pa si Madam Inutz sa pagiging nominado muli, sunod-sunod ang naging tweet ni Wilbert Tolentino.

Read also

Sir Wil sa pagtatanghal ni Madam Inutz sa PBB: "Proud ako bilang manager mo"

Ogie Diaz Kay Madam Inutz: "Kahit 'di pa siya puwesto 'dun may career na siya"
Madam Inutz kasama ang manager niyang si Wilbert Tolentino (Daisylicious_Ukay)
Source: Facebook

Nabanggit nito na hindi pa raw umano marunong ng strategy si Madam Inutz sa loob ng bahay ni Kuya gayung binigyan nito ng dalawang puntos si Brenda Mage. Isa ito sa naging dahilan ng pagkakaligtas nito sa nominasyon habang naging nominado si Madam.

Gayunpaman, hindi pa rin natiis ni 'Sir Wil' ang alaga niyang si Madam Inutz na patuloy pa rin niyang sinuportahan. Katunayan, dinalaw pa niya ang pamilya nito bago ang Kapaskuhan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, ayon naman kay Ogie D, hindi man makapwesto sa final 5 si Madam Inutz, may career pa rin ito sa labas ng bahay ni Kuya.

"Kahit 'di pa siya puwesto 'dun may career na siya... Kasi nagmarka na sa atin si madam"

Isa rin sa maari nitong balikan ay ang online selling na siyang plano rin naman talaga ng kanyang manager ngunit magiging mas bongga na ang kanyang negosyo ngayon.

Read also

Wilbert Tolentino, pinasalamatan ang mga vlogger friends na todo suporta kay Madam Inutz

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie D na ibinahagi niya sa kanyang Showbiz Updates:

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling.

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng pagsisikap ni Madam Inutz.

Ngayon kahit nasa loob ng Pinoy Big Brother house, patuloy pa rin siyang sinusurpresa ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino na binigyan pa siya ng house and lot bago siya pumasok sa PBB house. Ito raw ang magsisilbing inspirasyon at motivation ni Madam sa loob ng bahay ni Kuya.

Kamakailan ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Madam Inutz at nagkaroon ng party sa loob ng bahay ni Kuya matapos mapagtagumpayan ng housemates ang kanilang task.

Sa kapapasok lamang na ulat, ligtas na si Madam Inutz sa 8th eviction night at pasok na ito sa final 5 ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel