Ogie Diaz, nag-sorry sa netizens sa komentong 'refund' ng cochinillo ni Marvin

Ogie Diaz, nag-sorry sa netizens sa komentong 'refund' ng cochinillo ni Marvin

- Naglabas muli ng saloobin si Ogie Diaz patungkol sa nasabi niyang suhestyon na dapat na i-refund ni Marvin Agustin ang perang ibinayad ng mga hindi umano na-satisfy sa kanyang cochinillo

- Maraming netizens ang nag-react umano gayung nakain naman na raw ang cochinillo kaya hindi na raw dapat ibalik pa ang bayad

- Nilinaw ni Ogie D na suhestyon lamang ang kanyang sinabi ngunit mas mainam kung ito ay ginawa ni Marvin

- Matatandaang naglabas na rin ng pahayag si Marvin Agustin ukol dito at humingi na rin siya ng dispensa sa nangyari

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Muling naglabas ng saloobin si Ogie Diaz kaugnay ng naging suhestyon siya kay Marvin Agustin na i-refund na lamang sana nito ang pera ng customers na hindi umano natuwa sa produkto nitong cochinillo.

Nalaman ng KAMI na nakatanggap umano ng kaliwa't kanan na komento si Ogie D mula sa netizens na nagsasabing hindi naman nakailangan pang ibalik ni Marvin ang bayad ng customers gayung nakain pa rin naman ang mga ito.

Read also

Gary V sa kanta niyang 'Take me out of the dark': "It's never a performance"

Ogie Diaz sa mga nag-react sa 'refund' ng cochinillo ni Marvin: "Suggestion lang ‘yung sa akin"
Ogie Diaz (Photo from Ogie Diaz YouTube channel)
Source: Facebook

Dahil dito, binigyan diin ni Ogie na ang kanyang nasabi ay pawang suhestyon lamang subalit mas mainam kung magagawa nga ni Marvin.

"Ikinokonsidera ko naman po 'yung inyong mga komento. Natutuwa rin ako at na-appreciate ko 'yung kanilang constructive criticism tungkol doon sa aking nasabi kay Marvin na ang suggestion ko ay kung kayang i-refund ni Marvin 'yung mga umorder sa kanya,"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Tama naman 'yung iba na bakit pa ire-refund kung natikman naman kung baga 'yung iba sabi, Hindi niya nagustuhan porke’t hindi niya nagustuhan kailangan balik 'yung bayad?"
"Depende nga 'yon kay Marvin. So kung gustong ibalik ni Marvin, eh 'di mas maganda, mas ok. Kung ayaw ibalik, eh, 'di rin naman para mag-rally tayo sa harap ng bahay ni Marvin at sundin natin 'yong sinabi ni Ogie Diaz na i-refund.”

Read also

Cochi ni Marvin, tinatangkilik pa rin: "We are roasting now your cochi orders"

"Suggestion lang 'yong sa akin pero kung ayaw ni Marvin at gusto niyang balikan sila 'uy patitikimin ko ulit kayo ng aking cochinillo bago na ito e ‘di mas ok 'di ba?"

Dahil dito, humingi na rin ng sorry si Ogie sa mga netizens na tila hindi umano nagustuhan ang kanyang nabitawang mga salita.

"At the end of the day, gusto ko pong humingi ng sorry kung feeling ninyo ako ay nagkamali ng aking opinyon eh sorry po."

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Read also

Vice Ganda, inunahan na ang mga nega kaugnay sa binahagi niyang shopping video

Kamakailan, gumawa ng ingay sa social media ang umano'y naging komento rin ni Ogie D sa natikman na niyang 'cochinillo' ni Marvin Agustin.

Kabi-kabilang mga post at video kasi ng mga netizens ang kumalat kung saan ipinakita rin nila ang kanilang pagkadismaya sa produkto na ito ni Marvin na mayroon pa naman daw kamahalan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel