Ogie Diaz, may suggestion: "Dapat i-refund ni Marvin sa mga na-disappoint"

Ogie Diaz, may suggestion: "Dapat i-refund ni Marvin sa mga na-disappoint"

- Muling nagbigay ng pahayag si Ogie Diaz patungkol sa kontrobersyal na cochinillo ni Marvin Agustin

- Sa kanyang Showbiz update kasama si Mama Loi, naikwento niyang hindi rin nakasundo ng kanyang panlasa ang mabilis na sumikat na cochinillo ni Marvin

- Para sa kanya, mainam na i-refund ni Marvin ang mga ibinayad ng mga customer na nadismaya

- Matatandaang una nang nasabi ni Ogie na alam niyang makakabawi naman si Marvin sa nangyari at hiling niyang ma-improve lamang nito ang pagkaing tinangkilik ng maraming Pinoy lalo na ngayong Kapaskuhan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagbigay pahayag muli si Ogie Diaz patungkol sa kontrobersyal na cochinillo ni Marvin Agustin na talaga namang napag-usapan kamakailan.

Nalaman ng KAMI na ito ay may kaugnayan sa mga nadismaya umanong customers sa napansin nila sa produkto.

Ogie Diaz, may suggestion: "Dapat i-refund ni Marvin sa mga na-disappoint"
Marvin Agustin (@marvinagustin)
Source: Instagram

Isa ito sa mga napag-usapan nina Ogie D, Mama Loi at Brenda sa kanilang Showbiz Updates kung saan idinetalye ni Ogie na hindi rin nakasundo ng kanyang panlasa ang cochinillo nang matikman niya ito sa handaan ng isang kaibigan.

Read also

Ogie Diaz sa family ni Sarah G: "Baka naman 'di nila pino-post pero ok na sila"

At nito lamang ngang Kapaskuhan, kabi-kabilang mga post at video ng mga netizens ang kumalat kung saan ipinakita rin nila ang kanilang pagkadismaya sa produkto na ito ni Marvin na mayroon pa naman daw kamahalan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito, nabanggit ni Ogie Diaz na mas mainam na i-refund na lamang ni Marvin ang perang ibinayad sa kanya ng mga hindi na-satisfy na mga customers niya.

"'Yung iba nga ang ginagawa sinoli na 'yung bayad pinatikim pa ulit ng bago na libre, kasi nga marketing strategy yan e lalo na kung gusto mo silang ligawan ulet," ayon pa kay Ogie.

"Tingnan natin kung sa mga susunod na araw sabi nga ni Marvin e mag-a-update siya, at sana 'yung i-update ni Marvin ano, ito na po yung mga naisoli naming bayad, at kami po ay humihingi ng sorry, yung mga ganun," ayon pa kay Ogie D.

Read also

Marvin Agustin sa kanyang mga customers: "I am very sorry to each one of you"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel niya na Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Isa nga sa mga naitampok niya sa kanyang channel ay si Dr. Vicki Belo na naikwento kung bakit ayaw niyang binabati siya sa kanyang kaarawan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel