Ogie Diaz sa family ni Sarah G: "Baka naman 'di nila pino-post pero ok na sila"

Ogie Diaz sa family ni Sarah G: "Baka naman 'di nila pino-post pero ok na sila"

- Nagbigay ng kanyang opinyon si Ogie Diaz patungkol sa estado ng relasyon nina Sarah Geronimo- Guidicelli at kanyang pamilya

- Ito ay matapos na mag-viral ng video ni Sarah G na kumakanta ng 'Sana ngayong Pasko' kung saan mapapansin umano ang tindi ng emosyon nito sa kanyang pag-awit

- Ani Ogie, maaring nagkaayos na ang pamilya nina Sarah ngunit hindi lamang nila ito isinasapubliko

- Maari din naman hindi pa rin sila nagkakaayos kaya naman wala pa rin silang mga pictures sa social media na magkakasamang muli

- Gayunpaman, hilingin na lamang dapat ng bawat isa na magkaayos sina Sarah bilang sila naman ay pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagbigay ng pahayag si Ogie Diaz patungkol kay Sarah Geronimo-Guidicelli at pamilya nito.

Nalaman ng KAMI na kamakailan ay nag-viral ang pagkanta ni Sarah ng "Sana ngayong Pasko" kung saan hindi nito halos mapigilan ang kanyang emosyon dahil na rin umano sa lyrics ng awitin.

Read also

Marvin Agustin sa kanyang mga customers: "I am very sorry to each one of you"

Ogie Diaz sa family ni Sarah G: "Baka naman 'di nila pino-post pero ok na sila"
Photo: Ogie Diaz
Source: Facebook

Dahil dito, marami umanong nakapansin na tila naiisip ng Pop Star Royalty ang kanyang pamilya na sinasabing hindi pa rin nito muling nakakasama.

Isa ito sa mga napag-usapan nina Ogie D, Mama Loi at Tita Jegs sa kanilang showbiz updates.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon kay Ogie, maaring nagkasundo naman na sina Sarah G lalo na ang kanyang Mommy Divine ngunit hindi lamang nila isinasa-publiko. Maari naman daw na hindi pa rin nagkaaayos ang mga ito dahil wala pang naglalabasang larawan na magkakasama muli sila.

"Baka ang hinihintay nila e 'yung larawan with the fam, with Daddy Delfin and Mommy Divine. Baka naman din naman kasi hindi rin nila ipino-post pero ok na sila"

"Pwede rin namang hindi pa sila ayos kaya wala pang mga pictures," dagdag pa ni Ogie D.

Read also

Ogie Diaz sa kontrobersiyal na 'cochinillo' ni Marvin Agustin: "Kaya pa niyang bumawi"

Gayunpaman, sana'y magkaayos na rin daw sina Sarah G at Mommy Divine dahil 'at the end of the day" pamilya 'yan.

"Dapat hangarin natin na itong pamilya na ito ay magkaayos din someday"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Isa nga sa mga naitampok niya sa kanyang channel ay si Dr. Vicki Belo na naikwento kung bakit ayaw niyang binabati siya sa kanyang kaarawan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel