Kim Atienza, super proud sa pagiging YouTuber ng BFF at college classmate na si Karen Davila

Kim Atienza, super proud sa pagiging YouTuber ng BFF at college classmate na si Karen Davila

- Binisita ni Kim Atienza ang kanyang bestfriend at college classmate na si Karen Davila

- Nabanggit nilang magkakakilala na sila noon pa mang naging magkaklase sila sa kolehiyo

- Masasabing best friend niya talaga si Karen Davila at proud siya at pumasok na rin ito bilang isang content creator

- Katunayan, mas marami na raw itong mga YouTube followers kaysa sa kanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Binisita ni Kim Atienza ang kanyang bestfriend na si Karen Davila sa napaka-eleganteng tahanan nito.

Nalaman ng KAMI na matagal nang magkakilala ang dalawa na naging magkaklase noong nasa kolehiyo pa sila.

Kim Atienza, super proud sa pagiging YouTuber ng BFF at college classmate na si Karen Davila
Kim Atienza (@kuyakim_atienza)
Source: Instagram

Katunayan, sa sobrang close nila, si Kuya Kim umano ang nakaimpluwensiya kay Karen na mangolekta ng mga artworks.

Ipinakita nila ito sa 'house raid' na ginawa ni Kuya Kim sa kanyang matalik na kaibigan.

Read also

Sharon Cuneta, naiyak noon kay Olivia Lamasan dahil sa 'Madrasta': "I'm so mad at you"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Natutuwa rin daw at super proud si Kuya Kim na ngayo'y isa na ring YouTube content creator.

"I'm so proud of Karen that she finally made a step to be on YouTube."

Kwento naman ni Karen na si Kuya Kim talaga ang nagpalakas din ng kanyang loob na pasukin ang mundo ng YouTube.

"I was so scared and then Kim told me, don't be scared, just do it," pagbabahagi ni Karen na mayroon nang 484,000 subscribers sa kanyang YouTube channel.

"Tingnan mo naman ngayon, mas marami ka pang followers sa' kin ngayon," ang sagot naman sa kanya ng kanyang BFF.

Bukod dito, ipinakita rin nila ang ilang piraso ng mga koleksyon ni Karen na kapansin-pansin ang pagtangkilik sa sining.

Si Kim Atienza o "Kuya Kim" ay isang Filipino broadcaster. Siya ay anak ng politician na si Lito Atienza. Kilala siya sa kanyang mga science trivia at pagkahilig sa mga hayop.

Read also

Dimples Romana, may makulit na birthday greeting sa kaibigang si Bea Alonzo

Kamakailan, gumawa ng ingay ang paglipat ni Kuya Kim mula sa pagiging Kapamilya, isa na ngayon siyang Kapuso.

Mainit siyang tinanggap ng GMA kung saan na siya mapapanood. Nilinaw niyang hindi weather news ang kanyang ibabahagi ngayong isa na siyang Kapuso.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel