Kim Atienza, binisita si Karen Davila; ibinisto ang halaga ng ilang art collection nito
- Sa YouTube channel ni Kim Atienza, ipinakita ang 'house raid' niya sa bahay ng kaibigang si Karen Davila
- Makikita ang naggagandahang painting collection nito na ang karamihan at mula sa kilalang Pinoy artist na si Elmer Borlongan
- Ibinisto pa ni 'Kuya Kim' na ang isang pirasong painting na pagma-may-ari ni Karen ay nagkakahalaga na ngayon ng nasa Pho10-15 million
- Mayroon ding iba pang mga artworks si Karen na mula sa iba pang artist at isa na rito ay mula kay Julius Babao
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ipinasilip ni Kim Atienza ang napakagandang bahay ng kapwa niya broadcast journalist na si Karen Davila.
Nalaman ng KAMI na mahilig mangolekta ng mga art pieces si Karen na impluwensiya ng kanyang malapit na kaibigan na si "Kuya Kim."
Isa sa kanilang naibahagi ay ang 'Convoy' painting ng Pinoy artist na si Elmer Borlongan.
Kwento ni Karen, pina-komisyon niya talaga ito sa naturang artist.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Pinakomisyon ko ito kay Elmer Borlongan the year 2002 and I waited two years para dito."
Doon ibinisto na ni Kuya Kim ang halaga na ngayon ng obra na nakuha ni Karen.
"Malamang hindi niya sasabihin ang presyo pero I'll give you an estimate. Noong pinagawa niya ito siguro ilagay na natin ito sa Php400,000 or even less."
"Kung ibebenta natin ito trabaho ni Elmer Borlongan ngayon, this will be more than Php10-15 million already. Hindi niya sasabihin, ako ang nagsabi," pagsisiwalat ni Kuya Kim.
Bukod dito, ipinakita rin ni Karen ang iba painting collection niya at isa na rito ang artwork ni Julius Babao.
Si Kim Atienza o "Kuya Kim" ay isang Filipino broadcaster. Siya ay anak ng politician na si Lito Atienza. Kilala siya sa kanyang mga science trivia at pagkahilig sa mga hayop.
Kamakailan, gumawa ng ingay ang paglipat ni Kuya Kim mula sa pagiging Kapamilya, isa na ngayon siyang Kapuso.
Mainit siyang tinanggap ng GMA kung saan na siya mapapanood. Nilinaw niyang hindi weather news ang kanyang ibabahagi ngayong isa na siyang Kapuso.
Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh