Donny Pangilinan, hinangaan ng marami sa interview sa kanya ni Karen Davila

Donny Pangilinan, hinangaan ng marami sa interview sa kanya ni Karen Davila

- Marami ang lalong humanga kay Donny Pangilinan sa interview sa kanya ni Karen Davila

- Bukod sa ipinakita ni Donny ang sariling kasalukuyang tirahan ngayon, marami siyang naibahagi tungkol sa kanyang buhay

- Ilan sa mga ito ay ang tungkol sa pagpasok niya sa showbiz, ang tungkol sa kanilang pamilya at siyempre ang tungkol sa tagumpay ng love team nila ni Belle Mariano

- Maging ang mga hindi talaga fans ni Donny ay napabilib sa aktor dahil sa mga naibahagi niya sa naturang interview

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi lang kinilig kundi na-inspire din ang marami sa interview ni Karen Davila kay Donny Pangilinan ng love team na "DonBelle."

Nalaman ng KAMI na sa mismong tirahan ngayon ni Donny kung saan bumukod na siya mula sa kanyang pamilya, isinagawa ang interview.

Read also

Angeline Quinto, ibinahagi ang mga pagbabago sa kanyang katawan

Donny Pangilinan, hinangaan ng marami sa interview sa kanya ni Karen Davila
Donny Pangilinan kasama ang kanyang tita Karen Davila (@iamkarendavila)
Source: Instagram

Doon, naipakita niya sa kanyang 'Tita Karen' ang halos kabuuan ng kanyang tahanan.

Napansin din ni Karen ang malaking teddy bear na ipinagtaka niya bakit mayroon si Donny noon. Sinabi niyang isa ito sa mga ibinigay ng kanyang fans. Patunay na itinatago at pinahahalagahan niya ang mga naibibigay sa kanya ng kanilang mga tagahanga.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit ang isa sa mga kinagiliwan ng mga nakapanood ng interview ay ang tungkol sa pagpasok ni Donny sa showbiz na bagaman at suportado naman ng kanyang mga magulang, masasabi niyang pinanindigan at pinagsumikapan niya ito.

Naroon ding mabanggit niya ang paborito niyang bible verse na lalong nagpahanga sa marami.

Naikwento rin niya kasi ang relasyon niya bilang isang anak at bilang kapatid.

Siyempre, 'di naiwasang mapag-usapan ang tungkol sa patok na love team nila ngayon ni Belle Mariano.

Read also

Anak ng komedyanteng si Dagul, ipina-Tulfo ng dating kinakasama nito

Narito ang komento ng ilang netizens na aminadong humanga lalo kay Donny dahil sa interview na ito:

"Don was raised well by his parents. God fearing, a young man who is everyrhing a parent should be proud of"
"Just finished watching the interview while in tears. Dons, you're one of a kind person, you're rare to the fact that you value your family and above all our Almighty God. We're blessed that you exist for you inspire us so much. Love you!"
"Donny proving everyone that you can achieve all your dreams if you have the courage and willingness to achieve all of it. Proud of you, Nato!"
"Just finished watching the interview while in tears. Dons, you're one of a kind person, you're rare to the fact that you value your family and above all our Almighty God. We're blessed that you exist for you inspire us so much."

Read also

Bernadette Sembrano, napahagulgol nang makita ang mga kasamahan sa ABS-CBN

Si Donato Antonio "Donny" Laxa Pangilinan ay isa sa mga kinikilalang mahuhusay na bagong aktor sa bansa. Bukod dito, isa rin siyang model, singer at VJ. Anak siya nina Anthony Pangilinan at aktres na si Maricel Laxa.

Nakilala si Donny sa pagganap nila ni Belle Mariano sa hit series na 'He's Into her' na nababalita nang magkakaroon ng Season 2. Tumabo rin sa takilya ang pinakahuling pelikula nila na 'Love is color blind.'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel