Angeline Quinto, ibinahagi ang mga pagbabago sa kanyang katawan

Angeline Quinto, ibinahagi ang mga pagbabago sa kanyang katawan

- Sa kanyang 2nd trimester ng kanyang pagbubuntis, nagbahagi si Angeline Quinto ng video tungkol sa kanyang pagbubuntis

- Ibinahagi niya ang ilan sa mga pagbabago sa kanyang katawan na kanyang naranasan

- Kabilang na ang pag-itim ng kanyang leeg at batok at ang paglaki ng kanyang mga daliri

- Aniya, masasabi niyang masayang-masaya siya sa kanyang buhay sa kasalukuyan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi maitago ni Angeline Quinto ang pananabik na makita na ang kanyang baby na kanyang pinagbubuntis at kasalukuyang nasa 2nd trimester na. Sa kanyang ibinahaging video, muling nagbahagi si Angeline Quinto ng video tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Angeline Quinto, ibinahagi ang mga pagbabago sa kanyang katawan
Angeline Quinto (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Ibinahagi niya ang ilan sa mga pagbabago sa kanyang katawan na kanyang naranasan. Kabilang na ang pag-itim ng kanyang leeg at batok at ang paglaki ng kanyang mga daliri. Mas madalas din siya umanong umiihi lalo at marami din ang iniinom niyang tubig.

Read also

Drew Arellano, nabigay ng update sa mag-iina niyang may COVID-19; "Everyone almost 100%"

Aniya, masasabi niyang masayang-masaya siya sa kanyang buhay sa kasalukuyan. Marami naman sa kanyang supporters ang masaya din para sa kanya:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Napakasaya sa puso po namen Ate Angge na ma witness po ang journey ng pregnancy mo. Ang sarap sa feeling na makita kang Masaya. Ngayon habang pinapanood kita naiyak ako sa last part ng video mo na to. Tears of joy sobrang nagagalak ang puso ko at excited na rin masilayan ang totoong twinkle ng buhay mo
Hi Ms.Angeline,im happy for you.lahat po ng changes na nai experience mo ay normal po yan dont worry at babalik po yan lahat sa dati after you giving birth.enjoy mo lang po ang pregnancy journey mo.keep safe and God bless po.
I'm happy for you dpat laging happy wag magisip ng sad or other matter chill lang paglabas ng baby mo mabait na mabait yan kasi nagpapakatotoo ka sa amin what you see is what you get stay safe and ingat Ingat. Palagi.

Read also

Madam Inutz, excited na inanunsyo ang lalabas na music video ng bago niyang kanta na 'Marites'

Si Angeline Quinto ay isang mang-aawit na kinalaunan ay naging aktres din. Una siyang sumikat sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge telserye at pelikula.

Kabilang sa kanyang mga pumatok na vlogs ay ang kanyang pakikipag-collab sa Beks Battalion. Nagkaroon din siya ng video kasama si Chad Kinis.

Isa din si Angge sa mga sikat na personalidad na pumasok na sa paggawa ng YouTube content nang magkaroon ng pandemya. Kinaaliwan ang kanyang pagiging natural na palabiro at komedyante na makikita sa kanyang mga vlog.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel