Drew Arellano, nabigay ng update sa mag-iina niyang may COVID-19; "Everyone almost 100%"

Drew Arellano, nabigay ng update sa mag-iina niyang may COVID-19; "Everyone almost 100%"

- Nagbigay ng update si Drew Arellano patungkol sa kalagayan ng kanyang mag-iina na tinamaan ng COVID-19

- Matatandaang unang nakumpirmang positibo sa COVID si Iya Villania at nagsunod-sunod nang naglabasan ang sintomas sa kanilang mga anak

- Gayunpaman, naibahagi ni Iya na naantig ang puso niya nang sabihin ng bunso nilang si "Duday" na sa kabila ng pagkakasakit ay nakasama niya muli ang ina

- Bumuhos naman ng pagbati ang post ni Drew at hiling ng marami na mas mapadali na ang paggaling ng kanyaang pamilya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi ng aktor at TV host na si Drew Arellano ang kasalukuyang kalagayan ng kanyang misis na si Iya Villania at tatlong mga anak na pawang mga nagpositibo sa COVID-19.

Makikita sa Instagram post ni Drew ang kanyang mag-iina na magkakatabi habang nagsi-siyesta ang mga bata.

Read also

Bernadette Sembrano, napahagulgol nang makita ang mga kasamahan sa ABS-CBN

Drew Arellano, nabigay ng update sa mag-iina niyang may COVID-19; "Everyone almost 100%"
Drew Arellano (@drewarellano)
Source: Instagram

May caption ang naturang post na "Quarantine Quddles. Everyone almost 100%. Duday 100% tulog.#FacePlantTulog."

Matatandaang ilang araw lamang mula nang i-anunsyo ni Iya ang kanyang pagdadalang-tao sa kanilang ikaapat na anak ni Drew, kinumpirma niyang tinamaan siya ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa larawan na kanyang ibinahagi, makikitang nag-isolate agad siya sa mga anak kahit na malungkot ang mga ito sa pagkakawalay sa kanya.

Subalit ilang araw lang ang lumipas ay sunod-sunod na nilabasan ng sintomas ang mga ito na kalauna'y nakumpirmang tinamaan din ng COVID-19.

Samantala, panalangin naman ng marami na patuloy nang gumaling ang mag-iina.

Isa lamang ang mag-iina ni Drew Arellano sa mga showbiz personalities at kanilang mga pamilya na tinamaan ng COVID-19.

Kamakailan ay isinapubliko rin ni Candy Pangilinan na nagpositibo muli siya sa COVID-19 sa ikalawang pagkakataon.

Read also

Lalaking 30 taon nang paralisado ngunit nagtatrabaho pa rin, dinagsa ng tulong

Kung ang unang beses na pagkakaroon niya ng virus ay asymptomatic siya, ngayong ikalawang pagkakataon ay tinamaan din siya ng sintomas na kanyang pinaglabanan sa loob ng ilang araw.

Kalaunan, ang pinag-iingatan niyang anak na si Quentin ay nagpositibo rin sa virus kaya naman nakasama na niya muli ito matapos ang ilang araw nilang pagkakawalay dahil sa isolation.

Laking pasalamat naman ni Candy na hindi nahawa ang kanyang ina na kanyang iniingatan din na hindi na mahawa pa sa kanila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel