Bernadette Sembrano, napahagulgol nang makita ang mga kasamahan sa ABS-CBN

Bernadette Sembrano, napahagulgol nang makita ang mga kasamahan sa ABS-CBN

- Maging ang broadcaster at mamamahayag na si Bernadette Sembrano ay napagpasyahan na ring seryosohin ang paggawa ng YouTube videos

- Sa kanyang bagong video na ibinahagi, minabuti niyang pumunta kay Alex Gonzaga upang magpaturo at makahingi ng payo tungkol sa vlogging

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Siya ang mismong pumunta kay Alex sa taping nito sa noontime show na Lunch Out Loud na napapanuod sa TV5

- Naiyak at naging emosyonal siya nang makita ang mga dating kasamahan nila sa ABS-CBN dahil nagbalik umano sa kanya ang hirap ng kanilang pinagdaanan

Sa kanyang pagpunta kay Alex Gonzaga upang magpaturo tungkol sa vlogging, hindi inasahan ng broadcaster at mamamahayag na si Bernadette Sembrano na makikita niya ang marami sa mga kasamahan at kabatian niya dati sa ABS-CBN.

Bernadette Sembrano, napahagulgol nang makita ang mga kasamahan sa ABS-CBN
Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Aniya, naiyak siya dahil bumalik sa kanyang alaala ang hirap na pinagdaanan nila nang tuluyan nang mawalan ng prangkisa ang Kapamilya network. Kabilang sa kanyang nakita doon ay sina Billy Crawford, Wacky Kiray, Bayani Agbayani at ilan pang mga nakatrabaho niya sa likod ng camera.

Read also

Drew Arellano, nabigay ng update sa mag-iina niyang may COVID-19; "Everyone almost 100%"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kwento ni Alex, maging siya ay nagulat nang una siyang pumasok dahil halos 90 percent umano ng nandoon ay mula sa ABS-CBN. Kwento naman ni Ate B, parang ghost town na sa ABS-CBN dahil wala na ang dati ay maraming mga employees.

Napag-usapan din nila ni Alex ang tungkol sa hindi natuloy na pagbubuntis ni Alex na naranasan niya rin. Dito din naging emosyonal si Bernadette lalo na nang ikwento niya ang tungkol sa kanyang pagpapabutas sa tenga bago siya nagpa-raspa.

Panuorin ang kabuoan ng video ni Bernadette dito:

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 11 million na subscribers sa kasalukuyan.

Read also

Lolit Solis, naawa kay Lucy Torres na umano'y na-bash nang husto sa statement nito ukol kay BBM

Naibahagi kamakailan ni Alex ang kanyang karanasang mahablutan ng cellphone habang nasa EDSA. Nabawi naman niya ang kanyang telepono at minabuti niyang patawarin na lamang ang snatcher.

Samantala, matapos lumabas ang bali-balitang nakunan si Alex, binahagi nila ng kanyang asawa ang tungkol sa pangayayari. Kinumpirma nilang hindi natuloy ang kanyang pagbubuntis at naging emosyonal sila lalo at masayang-masaya sila sa pag-aakalang magkakaroon na sila ng anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel