Alex Gonzaga, ibinahaging nahablot ang kanyang cellphone sa EDSA

Alex Gonzaga, ibinahaging nahablot ang kanyang cellphone sa EDSA

- Ibinahagi ni Alex Gonzaga sa social media ang tungkol sa pagkahablot ng kanyang cellphone sa EDSA

- Gayunpaman, sa tulong ng kapulisan ay nakuha at nabawi niya ang kanyang cellphone mula sa snatcher

- Bukod sa mga pulis, pinasalamatan din ni Alex ang kanyang driver na hinabol umano ang mga snatchers

- Ayon pa kay Alex, maging ang ilang mga motorista ay tumulong umano na habulin ang mga snatchers

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinasalamatan ni Alex Gonzaga ang mga kapulisan na tumulong sa kanya sa Guadalupe Nuevo police sub-station 7. Ito ay matapos siyang mabiktima ng snatcher at nahablot ang kanyang cellphone sa EDSA.

Bukod sa mga kapulisan ay pinasalamatan din ni Alex ang kanyang driver na tinawag niyang si Kuya Arvi. Tumulong daw ito sa paghabol sa snatchers.

Alex Gonzaga, ibinahaging nahablot ang kanyang cellphone sa EDSA
Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)
Source: Instagram
Salamat din Talaga sa driver ko Kay kuya arvi kasi hinabol nya yung mga snatcher at maraming motorista and mga kapwa na nasa kalsada ang nakihabol at tulong sa paghuli ng isa sa mga snatchers.

Read also

Madam Inutz, nahiga sa tunay na kabaong para sa kanyang first-ever photoshoot

Ani Alex maraming mga motorista ang humabol at tumulong din na mahuli ang isa sa mga nanghablot ng kanyang cellphone. Pabiro pa nitong pinasalamatan ang asawa ng snatcher niya dahil subscriber daw sila ni Alex.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

And lastly salamat sa asawa ng snatcher ko dahil subscriber daw pala sila! Thank you Lord! Marami pa rin talaga ang mas mabubuti at matulungin na kapwa natin.

Si Alex Gonzaga ay ang nakababatang kapatid ng TV host at aktres na si Toni Gonzaga. Ikinasal siya kay Mikee Morada, isang businessman noong Nobyembre 2020. Bukod sa pag-arte at hosting, busy din siya sa kanyang vlog tungkol sa mga makeup tutorials at travel adventures.

Kinaaliwan kamakailan ang video ni Alex kung saan sinubukan niyang maging yaya ng anak nina Billy Crawford at Coleen Garcia.

Read also

Mayor Isko Moreno, inspirasyon ang sariling karanasan sa housing projects sa Maynila

Dahil sa kanyang nakakaaliw na mga video sa YouTube, lalong dumami ang kanyang subscribers. Sa katunayan, nakatanggap siya kamakailan ng Diamond Play button mula sa YouTube.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel