Ryan Bang, inamin ang naudlot na pagliligaw kay Yeng; "Galing talaga 'yun sa puso ko"

Ryan Bang, inamin ang naudlot na pagliligaw kay Yeng; "Galing talaga 'yun sa puso ko"

- Nagkakantsawan ang host ng 'It's Showtime' na si Ryan Bang gayundin ang hurado na si Yeng Constantino

- Naungkat kasi ng dalawa ang naudlot nilang pagliligawan noon pang 2010

- Nilinaw ni Yeng na hindi niya binasted si Ryan at huminto na lamang daw ito na magpadala ng kape

- Ngunit ayon kay Ryan, galing naman daw talaga sa puso niya ang panliligaw niya kay Yeng na siyang pinakaunang naging crush niya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nabalot ng kilig at kantsawan ang It's Showtime ngayong Enero 28 nang biglang maungkat nina Yeng Constantino at Ryan Bang ang kanilang pagliligawan, mahigit sampung taon na ang nakalilipas.

Nalaman ng KAMI na tila naka-relate si Yeng sa karanasan ng isang Tawag ng Tanghalan contestant hanggang sa nasabi nitong "Di ba Ryan?"

Ryan Bang, inamin ang naudlot na pagliligaw kay Yeng; "Galing talaga 'yun sa puso ko"
Ryan Bang (@ryanbang)
Source: Instagram

Doon na nag-ingay ang iba pang mga host at inakalang binasted ni Yeng si Ryan.

Read also

Sachzna Laparan, nagawa pang pautangin ang taong nagbigay ng matinding trauma sa kanya

"Hindi kita binasted!" paglilinaw ni Yeng kay Ryan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman napatanong si Vhong Navarro kung para kay Ryan nga ba ang kantang "Chinito" ni Yeng.

"Kuya Vhong, bigla na lang siyang tumigil magpadala ng kape," nakwento ni Yeng at sinabing nakakakilig naman daw talaga si Ryan noon.

Inamin din niyang sa paghinto ni Ryan ng panliligaw noon, nakaramdam din ng lungkot si Yeng.

Paliwanag naman ni Ryan, inakala niyang ayaw sa kanya ni Yeng noon.

"Nung nanligaw ako sa'yo, galing talaga 'yun sa puso ko. Ikaw yung pinaka-unang crush ko sa buong buhay ko. Ikaw yun! " aniya.

Narito ang kabuuan ng video:

Si Ryan Bang ay isang Koreanong nanatili sa Pilipinas upang mag-aral. Kinalunan ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng showbiz nang mapasali siya sa reality show na Pinoy Big Brother kung saan kasabayan niya si James Reid na naging malapit niya ring kaibigan.

Read also

Pacquiao kung bakit siya ang dapat na ibotong Pangulo: "Nakita ko ang problema ng bansa"

Bukod sa pagiging host ng 'It's Showtime', abala rin si Ryan sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 1.39 million subscribers. Tutok din si Ryan sa kanyang food at salon business.

Isa sa mga pinakakinagiliwan ng marami na vlog ni Ryan ay ang collab nila ni Herlene "Hipon Girl" Budol. Talagang nagkatugma raw kasi ang kakulitan ng dalawa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel