Ryan Bang, inaming sumama ang loob noon sa ina nang malamang dishwasher ito

Ryan Bang, inaming sumama ang loob noon sa ina nang malamang dishwasher ito

- Buong tapang na isiniwalat ni Ryan Bang ang hirap na dinanas ng kanyang pamilya noon sa Korea

- Bagaman at wala siyang kapatid at nag-iisang anak, kumuha ng ilang trabaho ang kanyang ina upang maitaguyod siya

- Isa sa mga ito ang pagiging dishwasher sa isang restaurant na pagmamay-ari pala ng kaklase ni Ryan

- Laking gulat niya nang makita ang ina dahil wala siyang kamalay-malay na nagtatrabaho rin pala ito roon

- Aminadong nakaramdam siya ng galit sa ina nang malaman ang pagiging dishwasher nito subalit paliwanag ni Ryan, ito ay dahil bata pa siya noon at hindi pa gaanong nauunawaan ang lahat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapang na isiniwalat ni Ryan Bang ang masalimuot na pinagdaanan ng kanyang pamilya sa Korea.

Nalaman ng KAMI na marami umanong naikwento si Ryan sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz na hindi pa niya noon naibabahagi sa ibang mga interview.

Read also

Ashley Gosiengfiao, nakita sa tarot reading ang paghihiwalay ng kapatid at ni Wil Dasovich

Isa na rito ang insidente kung saan natuklasan niyang isa sa mga trabaho ng kanyang masipag na ina ay ang pagiging dishwasher o tagahugas ng plato sa isang restaurant.

Ryan Bang, inaming sumama ang loob noon sa ina nang malamang dishwasher ito
Ryan Bang (@ryanbang)
Source: Instagram

Ang masaklap pa raw nito, ang may-ari ng restaurant ay kaklase pa ni Ryan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Wala siyang kaalam-alam na naroon ang ina at hindi rin naman daw siya nakita nito.

"Naalala ko elementary ako, bago bukas na restaurant, punta kami. Nakita ko mommy ko naghuhugas ng pinggan,"
"Hindi ko binati, umuwi na 'ko, nahihiya ako,"

"Napahiya talaga ako... nahihiya ako noong panahon na 'yon kaya napakasama kong tao," pag-amin ni Ryan.

"Mommy, bakit sa lahat ng restaurant sa kaibigan ko pa?"

"Kaya nung umuwi siya nagagalit ako, bata kasi ako (noon) 'di pa ako matured," paliwanag ni Ryan na ngayon naman ay todo-todo ang pagmamahal at pagmamalasakit sa ina, nabigyan na rin niya ng sarili nitong condo unit.

Read also

OFW, proud sa kabutihan ng amo; "parang batang kapatid ang turing niya sa akin"

Narito ang kabuuan ng nakaka-inspire na panayam kay Ryan Bang mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Ryan Bang ay isang Koreanong nanatili sa Pilipinas upang mag-aral. Kinalunan ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng showbiz nang mapasali siya sa reality show na Pinoy Big Brother kung saan kasabayan niya si James Reid na naging malapit niya ring kaibigan.

Isa sa mga pinakakinagiliwan ng marami na vlog ni Ryan ay ang collab nila ni Herlene "Hipon Girl" Budol. Talagang nagkatugma raw kasi ang kakulitan ng dalawa.

Bukod sa pagiging host ng 'It's Showtime, abala rin si Ryan sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 1.39 million subscribers. Tutok din si Ryan sa kanyang food at salon business.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel