Ryan Bang, nagulat nang sabihin ni Benedict Cua na 'totropahin' lang niya si Ivana Alawi

Ryan Bang, nagulat nang sabihin ni Benedict Cua na 'totropahin' lang niya si Ivana Alawi

- Kinagiliwan ng marami ang 'jojowain o totropahin challenge' nina Ryan Bang at Benedict Cua

- Nagulat si Ryan nang sabihin ni Benedict na totropahin niya at hindi jojowain si Ivana Alawi

- Kung siya raw kasi ang papipiliin, 'jojowain' niya si Ivana at 24 oras daw siyang magpapasalamat sa Diyos

- Bukod sa pagiging isang YouTuber, sinabi rin ni Ryan na abala siya sa kanyang mga negosyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang nagkulitan ang 'It's Showtime' host na si Ryan Bang at ang kilalang content creator sa YouTube na si Benedict Cua.

Nalaman ng KAMI na naging magkaklase ang dalawa sa De La Salle University ngunit ngayon na lamang halos nagkaroon ng pagkakataon na magka-bonding muli.

Isa sa ginawa nila ang 'jojowain o totropahin challenge' na nai-suggest ni Benedict kay Ryan.

Ryan Bang, nagulat nang sabihin ni Benedict Cua na 'totropahin' lang niya si Ivana Alawi
Photo: Ryan Bang (@ryanbang)
Source: Instagram

Nang sabihin ni Benedict na totropahin lamang niya si Ivana Alawi, napasigaw talaga si Ryan nang sabihin niyang 'Ben, bulag ka ba?'

Read also

Tiktoker na minura si Yorme Isko Moreno, napaiyak habang humingi ng dispensa

Kung kay Ryan daw kasi ito, jojowain niya ito at 24 oras na magdarasal at magpapasalamat sa Diyos kung ito ay magkakatotoo.

"Dapat jojowain talaga Ivana Alawi!" dagdag pa ni Ryan. "Masyado na siyang mataas!" paliwanag ni Benedict.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Ryan Bang:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ryan Bang ay isang Koreanong nanatili sa Pilipinas upang mag-aral. Kinalunan ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng showbiz nang mapasali siya sa reality show na Pinoy Big Brother kung saan kasabayan niya si James Reid na naging malapit niya ring kaibigan.

Kamakailan kinagiliwan ng marami ang collab vlog nila ni Herlene "Hipon Girl" Budol. Talagang nagkatugma raw kasi ang kakulitan ng dalawa.

Bukod sa pagiging host ng 'It's Showtime, abala rin si Ryan sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 1.39 million subscribers. Tutok din si Ryan sa kanyang food at salon business.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel