Ashley Gosiengfiao, nakita sa tarot reading ang paghihiwalay ng kapatid at ni Wil Dasovich

Ashley Gosiengfiao, nakita sa tarot reading ang paghihiwalay ng kapatid at ni Wil Dasovich

- Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Ashley Gosiengfiao ang isang komento ng netizen na tinawag siyang bida-bida

- Tinanong siya nito kung nahulaan niya rin sa pamamagitan ng kanyang tarot card na maghihiwalay ang kapatid niyang si Alodia at si Wil Dasovich

- Inamin naman ni Ashley na talagang nakita niya na iyon dati pa ngunit aniya ang mga ganoong pribadong bagay ay hindi naman na niya dapat isapubliko

- Matatandaang inamin ni Alodia kamakailan na hiwalay na sila ni Wil ngunit humiling ito na sana ay igalang ang kanilang privacy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang netizen ang tinawag ang kapatid ni Alodia Gosiengfiao na si Ashley Gosiengfiao na bida-bida. Tinanong din niya si Ashley kung nahulaan din nito sa pamamagitan ng kanyang tarot cards na maghihiwalay ang kapatid at ang boyfriend nito.

Read also

Wil Dasovich, pinatotohanang nahulaan ng kapatid ni Alodia Gosiengfiao ang paghihiwalay nila

Kapatid ni Alodia Gosiengfiao, umalma sa pagtawag sa kanyang bida-bida
Wil Dasovich and Alodia Gosiengfiao (@alodia)
Source: Instagram

Tila kinuwestiyon pa nito kung totoo ang kanyang panghuhula.

Hoy bida bidang manghuhula kuno. Nahulaan mo na din ba na magbrebreak kapatid mo sa jowa nya? Di ba sinabi sayo ng cards mo or like your madumb lugaw eh fake at paepal ka lang na tarrot card reader kuno.

Sa kanyang Twitter account, inamin naman ni Ashley na talagang nakita niya na iyon dati pa ngunit aniya ang mga ganoong pribadong bagay ay hindi naman na niya dapat isapubliko. Si Ashley ay gumagawa ng tarot reading at ibinabahagi niya ito sa YouTube.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

As a matter of fact, I did. But was it necessary and my place to tell the world about a matter as private as that? No

Si Alodia Gosiengfiao ay nakilala bilang isa sa pinakasikat na cosplayer sa bansa. Isa din siyang game streamer at vlogger. Naging usap-usapan ang pagpunta ni Alodia sa US noong nagkasakit si Wil Dasovich at nagpapagaling sa cancer. Matagaumpay din si Alodia sa larangan ng kanyang negosyo. Isa siya sa may-ari ng Tier 1 Entertainment, isang esports entertainment.

Kamakailan ay nagpadisenyo pa ng kanilang bahay sina Wil at Alodia sa sikat na vlogger at architect na si Oliver Austria. Sabay nilang pinanood ang unang bahagi ng virtual tour sa dinesenyong bahay. Gayunpaman, mag-isa na lamang si Wil sa pagreact sa ikalawang bahagi video ng Mantsong.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel