Wil Dasovich, pinatotohanang nahulaan ng kapatid ni Alodia Gosiengfiao ang paghihiwalay nila

Wil Dasovich, pinatotohanang nahulaan ng kapatid ni Alodia Gosiengfiao ang paghihiwalay nila

- Pinatotohanan ni Wil Dasovich ang sinabi ng kapatid ni Alodia Gosiengfiao na si Ashley Gosiengfiao

- Ito ay tungkol sa kanyang pagkakakita sa kanyang tarot card reading tungkol sa paghihiwalay nina Alodia at Wil

- Ani Wil, dati pa alam ni Ashley na maghihiwalay sila at naalala niya umano ang reaksiyon ni Ashley na parang alam na alam niya ang nangyari

- Kamakailan lang ay ikinalungkot ng tagahanga nilang dalawa ang pagkumpirma ni Alodia na hiwalay na nga sila ni Wil

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Napakomento si Wil Dasovich sa Facebook post ng kapatid ni Alodia Gosiengfiao na si Ashley Gosiengfiao matapos siyang kuwestiyonin ng isang netizen ay tinawag siya nitong bida-bida. Diretsahan namang sinabi ni Ashley na nakita niya na dati sa tarot ang paghihiwalay nila.

Wil Dasovich, pinatotohanang nahulaan ng kapatid ni Alodia Gosiengfiao ang paghihiwalay nila
Wil Dasovich and Alodia Gosiengfiao (@alodia)
Source: Instagram

Pinatotohanan ni Wil ang sinabing ito ni Ashley. Aniya, noon pa ay alam na ni Ashley na maghihiwalay sila ni Alodia at naalala niya umano ang reaksiyon ni Ashley.

Read also

Janus Del Prado sa isinapubliko ang hiwalayan at humingi ng privacy: "contentisking"

Wil Dasovich, pinatotohanang nahulaan ng kapatid ni Alodia Gosiengfiao ang paghihiwalay nila
Komento ni Wil Dasovich (Screenshot from Ashley Gosiengfiao's Facebook post)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Juskopo yung tarot cards na yan… I hate to admit it but it’s true on this one, Ashley knew way before and I remember nung time na yan looking at your mischievous face Ashley na alam na alam kung anong nangyari without ever saying. Shucks…sana charot cards na lang, katakot na yung nagigiging totoo lagi ang mga tarot cards

Hindi naman napigilang manghinayang at malungkot ng mga fans nina Alodia at Wil sa hindi diretsahang pagkumpirma ni Wil sa break up nila:

Wil Dasovich will always be a fan of you and Alodia Gosiengfiao. We never know, baka magkabalikan kayo in the future. You just need to both grow separately as of the moment.
Sayang kuys Wil Dasovich! Naging fan ninyo ako simula nung time na inaalagaan ka ni idol Alodia Gosiengfiao nung may sakit ka. Bumilib ako sa relationship na meron kayo. Kaya nakakapanghinayang na mabalitaan ang break up niyo. Sayang!

Read also

Ashley Gosiengfiao, nakita sa tarot reading ang paghihiwalay ng kapatid at ni Wil Dasovich

Si Alodia Gosiengfiao ay nakilala bilang isa sa pinakasikat na cosplayer sa bansa. Isa din siyang game streamer at vlogger. Naging usap-usapan ang pagpunta ni Alodia sa US noong nagkasakit si Wil Dasovich at nagpapagaling sa cancer. Matagumpay din si Alodia sa larangan ng kanyang negosyo. Isa siya sa may-ari ng Tier 1 Entertainment, isang e-sports entertainment company.

Kamakailan ay nagpadisenyo pa ng kanilang bahay sina Wil at Alodia sa sikat na vlogger at architect na si Oliver Austria. Sabay nilang pinanood ang unang bahagi ng virtual tour sa dinesenyong bahay. Gayunpaman, mag-isa na lamang si Wil sa pagreact sa ikalawang bahagi video ng Mantsong.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel