Sachzna Laparan, nagawa pang pautangin ang taong nagbigay ng matinding trauma sa kanya

Sachzna Laparan, nagawa pang pautangin ang taong nagbigay ng matinding trauma sa kanya

- Matapang na ikinuwento ni Sachzna Larapan sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz ang tungkol sa trauma na kanyang dinanas noon

- Aminado man siyang hanggang ngayon ay sariwa pa rin umano ang mga nangyari, malaking bagay na napatawad na niya ang taong ito

- Katunayan, nagawa pa niyang pautangin at tulungan ito lalo na noong nalaman niyang walang-wala na talaga ang pamilya nito

- Sa kabila ng pagpapatawad niya, ramdam niyang hindi naman umano nagsisi ang taong ito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa part 2 ng panayam ni Ogie Diaz kay Saczna Laparan, buong tapang nitong naikwento ang tungkol sa trauma na dulot ng isang taong pinagkatiwalaan nila.

Nalaman ng KAMI na bagama't matagal nang panahon ito nangyari, sariwa pa umano kay Sachzna ang mga naganap.

Sachzna Laparan, nagawa pang pautangin ang taong nagbigay ng matinding trauma sa kanya
Photo: Sachzna Laparan
Source: Facebook

Gayunpaman, mas pinili pa rin niyang patawarin ang taong ito para na rin umano sa kanyang sarili.

Read also

70-anyos na tindero ng itlog na na-scam at naholdap, natulungan matapos mag-viral

Katunayan, pinili pa niyang suklian na lamang ng kabutihan ang taong ito na nakikita pa rin niya hanggang ngayon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Alam mo 'yung sinukli ko sa kanya 'yung kabaitan na lang."
"May time talaga na walang-wala siya, walang-wala sila ng family niya, pinautang ko pa. Mga ganun. Sige, tulungan kita. Kahit na may ginawa ka saking ganyan. para alam mo kung anong tao 'yung ginawan mo ng mali."

Sa kabila ng pagpapatawad na ito, ramdam umano ni Sachzna na hindi pa rin nagsisi ang taong ito sa kanyang nagawa.

Hindi pa rin niya kayang komprontahin ito ngunit kung mabibigyan ng pagkakataon, maari naman daw niyang subukan.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Sachzna na mapapanood sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter.

Read also

Donekla in Tandem, nag-post na hiwalay na sila; "Maraming salamat sa suporta mga katandem"

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.

Bukod kay Sachzna na isa sa mga kilalang vlogger at endorser na kamakaila'y pinasok na rin ang pagnenegosyo, napag-usapan din sa mga YouTube channel ni Ogie D ang tungkol sa reaksyon ni Janella Salvador sa pahayag na crush umano siya noon ni Joshua Garcia ayon kay Daniel Padilla.

Isa sa mga napag-usapan sa Showbiz Update niya kamakailan ay ang mga larawan ni Seth Fedelin kasama umano si Francine Diaz at pamilya nito. Natanong tuloy ni Ogie Diaz kung nanliligaw nga ba si Seth kay Francine.

Source: KAMI.com.gh

Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel