Donekla in Tandem, nag-post na hiwalay na sila; "Maraming salamat sa suporta mga katandem"

Donekla in Tandem, nag-post na hiwalay na sila; "Maraming salamat sa suporta mga katandem"

- Sa social media page nina Donita Nose at Super Tekla, inanunsyo nilang naghiwalay na sila

- Wala pa silang ibang binigay na detalye kaugnay nito na gumulat sa publiko

- Mapapansin na marami sa mga netizens ang nag-react na sila ay nalulungkot sa anunsyong ito

- Ang ilan, sinabing maaring maghihiwalay sila ng tirahan lamang tulad ng nabanggit nila sa kanilang vlog kamakailan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gumulantang sa publiko ang post ng page nina Donita Nose at Super Tekla na mas kilala bilang 'Donekla in Tandem' ngayong Enero 30.

Nalaman ng KAMI na sa kanilang Facebook page, inanunsyo nilang hiwalay na sila.

Donekla in Tandem, nag-post na hiwalay na sila; "Maraming salamat sa suporta mga katandem"
Donita Nose and Super Tekla (Photo from Donekla in Tandem)
Source: Facebook

Bukod sa naturang post, wala pang ibang detalye na ibinigay ang dalawa kaya labis na nagulat ang kanilang mga tagasuporta.

Mapapansin ang 'sad face' reaction sa naturang post habang ang iba ay umaasa na prank lamang umano ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Hala, 'wag naman sana. Andami na rin naman nilang subscribers. Marami silang napapasayang tao"
"Ang sad naman nito. Sana hindi totoo"
"I think it's a prank. Pag-isipan muna sana nila ang pagkakanya-kanya nila"
"Please, hindi sana totoo 'to. Sila nagpapasaya sakin every week"
"Ano kayang nangyari sa kanila? Sad news ito kung totoo"

Samantala, ang ilan tila natandaan ang napanood nila sa vlog kamakailan nina Donita Nose at Tekla. Sinabi kasi ng mga ito na lilipat na sila ng bagong tirahan ngayong katapusan ng buwan ng Enero.

Kaya naman umaasa ang marami ang 'hiwalayan' ng dalawa at tirahan lamang ang kanilang tinutukoy at hindi ang kanilang napakagandang samahan.

Ang 'Donekla in Tandem' ay binubuo ng mga komedyanteng sina Donita Nose at Super Tekla. Matatandaang nagkasama ang dalawa sa programang 'Wowowin' ni Willie Revillame kung saan pumatok ang kanilang pagpapatawa.

Kasalukuyan na silang mayroong 3.19 million subscribers sa kanilang YouTube channel kung saan marami silang mga napapatawa, npapaiyak at nai-inspire din sa mga video na kanilang naibabahagi linggo-linggo.

Isa na rito ang pagdiriwang ni Tekla ng kanyang kaarawan kamakailan. Hinangaan siya ng marami nang sabihing ang regalo sa kanya ni Donita ay ilalaan niya agad para sa pangangailangan ng kanyang bunsong anak na si Baby Angelo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel