Tekla, inisip agad si Baby Angelo nang matanggap ang birthday gift sa kanya ni Donita Nose

Tekla, inisip agad si Baby Angelo nang matanggap ang birthday gift sa kanya ni Donita Nose

- Kamakailan ay nagkaroon ng simpleng birthday celebration ang komedyanteng si Super Tekla

- Kasama niya ang ka-tandem na si Donita Nose at ilan lamang na kasama nila sa kanilang tahanan

- Dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa, minabuti nilang hindi mag-imbita ng iba pang bisita bilang pag-iingat pa rin sa lumalaganap na COVID-19

- Labis namang natuwa si Tekla sa regalo sa kanya ni Donita at naisip niya agad na gamitin ang kalahati nito para sa kanyang Baby Angelo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Simple ngunit makabuluhan ang naging selebrasyon ng kaarawan ni Super Tekla.

Sa kanilang vlog, naibahagi nila ni Donita ang kanilang selebrasyon kung saan hindi na sila nag-imbita pa ng ibang bisita.

Nalaman ng KAMI na ito ay bilang pag-iingat pa rin sa patuloy na lumalaganap na COVID-19 at mataas na bilang ng mga kumpirmadong tinatamaan nito.

Read also

Madam Inutz, wagi sa Gawad Amerika bilang 2021 Outstanding Social Media Influencer

Tekla, inisip agad si Baby Angelo nang matanggap ang birthday gift sa kanya ni Donita Nose
Donita Nose at Super Tekla (Photo: Donekla in Tandem)
Source: Facebook

Subalit nakaisip pa rin si Donita kung paano mapasaya ang kanyang ka-tandem kahit sila-sila lang sa kanilang bahay ang nagsalo-salo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nang ibigay na nga ni Donita ang regalo niya kay Tekla, labis itong natuwa dahil sa bugkos ng salapi na bigay nito sa kanya.

Bukod sa agad itong nagpasalamat sa kanyang ka-tandem, nasambit niya agad na ang kalahati ng halaga ay ilalaan niya sa kanyang baby Angelo.

"Kalahati nito ibibili ko ng gatas ni Angge kasi 'di ba hindi natin masasabi baka mag-lockdown na naman"

Pinag-isipan ding mabuti ni Donita ang ireregalo na ito kay Tekla kaya naman natuwa siya nang malamang natuwa ang kanyang ka-tandem.

Narito ang kabuuan ng kanilang video mula sa YouTube channel nilang Donekla in Tandem:

Ang 'Donekla in Tandem' ay binubuo ng mga komedyanteng sina Donita Nose at Super Tekla. Matatandaang nagkasama ang dalawa sa programang Wowowin ni Willie Revillame. Kasalukuyan na silang mayroong 3.12 million subscribers sa kanilang YouTube channel.

Read also

Viral 'Kangkong chips' owner, idinetalye ang lungkot at tagumpay ng kanyang negosyo

Kamakailan lamang, ipinagdiwang nina Donita at Tekla ang first anniversary ng kanilang YouTube channel.

Hindi naiwasang maging emosyonal nang dalawa nang kanilang balikan ang mga nangyari sa loob ng isang taon. Doon, nagkaaminan din sila umano ng mga bagay na ayaw nila sa isa't isa.

Ibinahagi rin nila ang unboxing nila ng kanilang gold play button sa pagkakaroon ng mahigit isang milyong subscribers.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel