Donekla in Tandem, nagprangkahan; Inamin ang ayaw na ugali sa isa't isa

Donekla in Tandem, nagprangkahan; Inamin ang ayaw na ugali sa isa't isa

- Nagdiwang ng first anniversary ang 'Donekla in Tandem' na binubuo nina Donita Nose at Super Tekla

- Isa sa kanilang naisipang gawin sa kanilang anniversary vlog ay ang 'prangkahan' at pagsasabi ng ayaw na ugali sa isa't isa

- Sinabi ni Tekla na ayaw umano niya ang pagiging 'maarte' at 'maldita' ni Donita Nose

- Si Donita naman, diretsahang sinabi na 'tamad sa lahat ng bagay' ang kaibigang si Tekla

- Gayunpaman, pinasalamatan nila ang isa't isa at sinabing patuloy na gagawa ng vlogs para sa nasa 3 million nilang subscribers na alam nilang napapasaya nila

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa unang anibersaryo ng YouTube channel nina Donita Nose at Super Tekla na 'Donekla in Tandem,' isa sa kanilang ginawa ay ang pagiging prangka sa isa't isa.

Nalaman ng KAMI na inamin ng dalawa ang mga ayaw nilang ugali na napapansin lalo na ngayong magkasama pa sila sa iisang tirahan.

Read also

Paolo Contis, nilinaw na hindi si Yen Santos ang dahilan ng paghihiwalay nila ni LJ Reyes

Donekla in Tandem, nagprangkahan; Inamin ang ayaw na ugali sa isa't isa
Sina Tekla at Donita Nose (Photo credit: Donekla in Tandem)
Source: Facebook

Unang nagsalita si Tekla na pinuna ang pagiging 'maarte' umano at 'parang maldita' ni Donita Nose.

"Pero nasanay na ako kasi iyon 'yung parang set-up natin e," paglilinaw ni Tekla.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Alam naman daw kasi ni Tekla na ang umano'y pagtatalak sa kanya ni Donita ay para sa kanyang ikabubuti.

Samantala, diretsa namang sinabi ni Donita na ayaw niya ang pagiging tamad ni Super Tekla.

"Sa totoo lang ha, 'yung pagiging tamad mo. Tamad ka talaga sa lahat ng bagay"

Inamin naman ito ni Tekla at ayon kay Donita, nilarawan niya ang kaibigan na parang sasakyan na para umandar at kumilos ay kailangang 'susian'.

Subalit matapos ang makulit nilang prangkahan, pinasalamatan din nila ang isa't isa lalong lalo na sa tagumpay nilang tinatamasa sa pagiging mga content creators sa loob ng isang taon.

Read also

Donekla in Tandem, one year na sa YouTube; emosyonal na nag-unbox ng gold play button

Sinabi rin nilang patuloy na nila itong gagawin lalo na at umabot na sa halos 3 million ang kanilang subscribers.

Si Donita Nose ay nakilala sa kanyang pagiging bahagi ng TV Show ni Willie Revillame na 'Wowowin'. Kinalaunan, sumikat ang tambalan nila ni Super Tekla at nakilala sa bansag na DonEkla.

Binansagan siyang Pambansang Beshy matapos ang pinakita niyang tulong at suporta kay Super Tekla nang minsang madawit ito sa matinding kontrobersiya kaugnay sa reklamo ng dati nitong kinakasama.

Isa si Donita sa tumulong upang mapabinyagan ang anak ni Tekla sa dating kinakasama nitong si Michelle Banaag.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel