Paolo Contis, nilinaw na hindi si Yen Santos ang dahilan ng paghihiwalay nila ni LJ Reyes
- Nilinaw ni Paolo Contis na walang kinalaman si Yen Santos sa paghihiwalay nila ni LJ Reyes
- Aniya, kung meron man dapat sisihin kung bakit sila naghiwalay ay siya iyon at wala nang iba at matagal na umano silang hindi okay ni LJ
- Nilinaw din ni Paolo na siya ang nagpasama kay Yen noong nagsimba sila sa Manaoag bilang kaibigan
- Hindi niya umano naisip na madadamay si Yen sa kanyang kinasasangkutang gulo kaya inihingi niya ng paumanhin ang pangyayari
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isa si Yen Santos sa pinakanabatikos sa gitna ng kontrobersiya matapos maghiwalay sina Paolo Contis at LJ Reyes. Si Yen kasi ang tinuturong third party na naging dahilan ng paghihiwalay ng dalawa.
Gayunpaman, nilinaw ni Paolo na nadamay lamang si Yen at hindi ito ang dahilan ng paghihiwalay nila.
Aniya, siya lamang ang naging dahilan ng pagkakaroon nila ng problema ni LJ.
Kaugnay naman sa Baguio na mga pictures at videos, sinabi ni Paolo na inimbitahan niya si Yen bilang isang kaibigan upang may makausap siya kasunod ng pag-alis ni LJ kasama ang kanyang mga anak.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din.
Iginiit niyang pumunta si Yen doon bilang isang kaibigan.
She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this.
Si Paolo Contis ay isang aktor at komedyante na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng "Ang TV." Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent. Naging maingay ang pangalan ng aktor kamakailan kasunod ng pag-amin ni LJ Reyes tungkol sa kanilang paghihiwalay.
Ang kanyang manager na si Lolit Solis at ang talk show host na si Cristy Fermin ang nagtanggol sa kanya sa gitna ng mga pambabatikos. Gayunpaman, kinalaunan ay sinabi din ni Cristy na si Yen Santos at Paolo Contis nga ang nasa viral video.
Samantala, sa isang naunang ulat ng KAMI, hindi pinalampas ni Paolo ang malisyosong pagtatanong ng isang netizen kay LJ Reyes.
Kagaya ng laging paalala ng KAMI, kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging tandaan at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon. Ika nga, ""think before you click.""
Source: KAMI.com.gh