Paolo Contis, humingi ng dispensa kay Lian Paz sa pagkakadawit nito sa kontrobersiya

Paolo Contis, humingi ng dispensa kay Lian Paz sa pagkakadawit nito sa kontrobersiya

- Matapos madawit ang dating karelasyon niyang si Lian Paz sa kontrobersiyang kanyang kinasasangkutan, minabuti ni Paolo Contis na humingi ng dispensa

- Aniya, inihihingi niya ng dispensa na nagulo ang tahimik na buhay nina Lian kasama ang kanyang mga anak

- Matatandaang hindi na nagsalita si Lian kaugnay sa kontrobersiyang ito nang hingian siya ng reaksiyon ng mga tao

- Kasalukuyang masaya ang dating EB Babe kasama ang kanyang non-showbiz na partner at ang kanilang mga anak

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kabilang ang dating karelasyon ni Paolo Contis na si Lian Paz sa hiningian niya ng dispensa dahil aniya ay nagulo ang kanilang tahimik na buhay dahil sa kanya.

Hindi nakaligtas ang kanyang dating karelasyon sa pangungulit ng mga tao kaugnay sa kanyang reaksiyon sa hiwalayang LJ Reyes at Paolo.

Paolo Contis, humingi ng dispensa kay Lian Paz sa pagkakadawit nito sa kontrobersiya
Paolo Contis (@paolo_contis)
Source: Instagram

Gayunpaman, minabuti ni Lian na huwag nang magsalita kaugnay sa isyu.

Read also

Paolo Contis, umamin sa pagiging marupok niya at pagkakaroon ng 3rd party

Larawan ng isang masayang pamilya sina Lian at ang kanyang non-showbiz partner kasama ang kanilang mga anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ani Paolo, "I’m sorry sa lahat ng nadamay sa issue na to. I want to apologize to Lian and the kids, na nagulo na naman ang tahimik na buhay dahil sa akin."

Nagkaroon sila ng dalawang anak sa kanilang naging pagsasama na nauwi sa hiwalayan noong 2012.

Si Paolo Contis ay isang aktor at komedyante na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng "Ang TV." Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent. Naging maingay ang pangalan ng aktor kamakailan kasunod ng pag-amin ni LJ Reyes tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Ang kanyang manager na si Lolit Solis at ang talk show host na si Cristy Fermin ang nagtanggol sa kanya sa gitna ng mga pambabatikos. Gayunpaman, kinalaunan ay sinabi din ni Cristy na si Yen Santos at Paolo Contis nga ang nasa viral video.

Read also

Eric Fructuoso, inaming hiwalay na sila ng kanyang asawa

Samantala, sa isang naunang ulat ng KAMI, hindi pinalampas ni Paolo ang malisyosong pagtatanong ng isang netizen kay LJ Reyes.

Kagaya ng laging paalala ng KAMI, kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging tandaan at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon. Ika nga, ""think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel