Paolo Contis, umamin sa pagiging marupok niya at pagkakaroon ng 3rd party
- Hindi na itinanggi ni Paolo Contis ang akusasyong 3rd party sa paghihiwalay nila ni LJ Reyes
- Aniya, aminado siyang naging marupok siya sa ilang taon nilang pagsasama ni LJ at hindi niya umano ito ipinagmamalaki
- Inihingi niya ng paumanhin ang kanyang nagawa at ikinakahiya niya umano ang kanyang mga nagawa
- Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsalita si Paolo kaugnay sa hiwalayan nila ni LJ matapos kumpirmahin ng aktres ang tungkol dito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Buong pagpapakumbabang inamin ni Paolo Contis ang kanyang kamaliang nagawa sa dating karelasyon pagdating sa pagiging tapat dito. Inamin niyang naging marupok siya sa loob ng ilang taon na naging magkarelasyon sila ni LJ.
Gayunpaman aniya, hindi siya proud sa kanyang nagawa at ikinakahiya niya ito. Inihingi niya rin ito ng dispensa.
Ayon sa kanya, kaya siya hindi kaagad nagsalita ay dahil gusto na lamang niya manahimik at tinanggap na lamang niya ang mga pambabatikos.
Matatandaan ding mas pinili ni LJ na huwag nang magsalita nang tanungin siya ni Boy Abunda kung third party ba ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Marami ang humanga sa aktres dahil sa kabila ng kanyang sakit na naramdaman at dinanas, wala siyang sinabing masama laban kay Paolo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Paolo Contis ay isang aktor at komedyante na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng "Ang TV." Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent. Naging maingay ang pangalan ng aktor kamakailan kasunod ng pag-amin ni LJ Reyes tungkol sa kanilang paghihiwalay.
Ang kanyang manager na si Lolit Solis at ang talk show host na si Cristy Fermin ang nagtanggol sa kanya sa gitna ng mga pambabatikos. Gayunpaman, kinalaunan ay sinabi din ni Cristy na si Yen Santos at Paolo Contis nga ang nasa viral video.
Samantala, sa isang naunang ulat ng KAMI, hindi pinalampas ni Paolo ang malisyosong pagtatanong ng isang netizen kay LJ Reyes.
Kagaya ng laging paalala ng KAMI, kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging tandaan at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon. Ika nga, "think before you click."
Source: KAMI.com.gh