Cristy Fermin, kinumpirmang sina Yen Santos at Paolo Contis ang nasa viral video

Cristy Fermin, kinumpirmang sina Yen Santos at Paolo Contis ang nasa viral video

- Sa kanyang programang Christy Ferminute, muling napag-usapan ang tungkol sa isyung kinasangkutan nina Paolo Contis, Yeng Santos at LJ Reyes

- Ayon kay Christy Fermin, isang source ang nagsabing kumpirmadong sina Paolo at Yeng nga ang nasa mga kumalat na video at pictures kamakailan

- Gayunpaman, sa pagkakaalam niya ay iba ang karelasyon ng aktres at kilala umano niya ito

- Aniya, nagawang pribado ni Yeng ang kanyang personal na buhay kabilang na ang tunay na karelasyon nito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos nga ang kanyang pahayag na hindi siya kumbinsidong sina Yen Santos at Paolo Contis ang nasa mga kumakalat na viral picture at video, diretsahang sinabi ni Cristy Fermin na kinumpirma ng kanyang source na sila Paolo at Yen nga ang mga tao sa mga kumalat na pictures at video.

Read also

LJ Reyes at Lian Paz, naka-follow sa isa't-isa sa Instagram

Cristy Fermin, kinumpirmang sina Yen Santos at Paolo Contis ang nasa viral video
Paolo Contis (@paolo_contis)
Source: Instagram

Ayon umano sa kanyang source, sila ang nasa pictures na kuha sa isang kainan at sila din iyong naglalakad matapos nilang magsimba sa Manaoag.

Nagkayayaan lang daw sila na magsimba at pagkatapos ay kumain. Dagdag pa ng host, hiwalay na sina Paolo at LJ noong naganap ang kanilang pagsimba at pagkain.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Totoong pong sila yun. Nagkayayaan lang daw si Paolo at si Yen na magsimba sa Manaoag. At siyempre pagkasimba, kakain."

Dahil nga wala paring nilalabas na pahayag ang panig nina Yen at Paolo, maging ang mga netizens ay naglabas ng umano'y ebidensiya na magpapatunay na sila talaga iyon.

“Kumbaga, hindi na po siya (Yen) naging third wheel. Hindi po siya ikatlong bahagi or third party kasi hindi po niya pinasok yung relasyon nila Paolo at LJ. Nasa labas na si Paolo, nang sila ay mag tambal sa ‘A Faraway Land.’ Nasa labas na rin po ng relasyon si Paolo, ng pumunta sila sa Manaoag, nagdasal at kumain sa labas. At wala ng pwedeng ibato pa laban kay Yen kasi labas na sila dun eh."

Read also

Video ni Paolo Contis kasama ang 'mystery girl', viral sa gitna ng kontrobersya

Si Paolo Contis ay nakilala sa showbiz bilang isang aktor at komedyante. Una siyang naging bahagi ng youth-oriented show na "Ang TV." Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent.

Kamakailan ay naging usap-usapan din ang reaksiyon ni LJ Reyes dahil sa pansamantalang pagkakawalay sa ama ng kanyang anak.

Matatandaang hinangaan ang aktor sa pagiging proud at protective na ama nito sa kanilang anak na si Summer at anak ni LJ na si Aki. Hindi nito pinalalampas ang negatibong komento sa kanyang anak. Kamakailan nga ay kinaaliwan ang garahe nina Paolo at LJ na ginawa nilang park para kay Summer.

Matatandaang hindi din pinalampas ni Paolo ang malisyosong pagtatanong ng isang netizen kay LJ Reyes.

Kagaya ng laging paalala namin dito sa KAMI, isaisip na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel