LJ Reyes at Lian Paz, naka-follow sa isa't-isa sa Instagram

LJ Reyes at Lian Paz, naka-follow sa isa't-isa sa Instagram

- Matapos ang pagkumpirma ni LJ Reyes ng tungkol sa paghihiwalay nila ni Paolo Contis, hindi maiwasang mabalikan ng netizens ang nakaraang nakarelasyon ng aktor

- Marami ang naapektuhan sa emosyonal na paglalahad ni LJ ng kanyang kwento at marami din ang napabilib sa pagiging matatag nito

- Samantala, bilang isa sa nakaraang nakarelasyon ni Paolo hindi nakaligtas sa mga netizen na nakafollow pala sa isa't-isa sa Instagram sina LJ at Lian

- Matatandaang September 2012 din nang mapabalita ang hiwalayang Lian at Paolo kung saan naging emosyonal din si Lian

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami sa mga netizens ang nakikisimpatya kay LJ reyes matapos ang pagkumpirma nito ng paghihiwalay nila ni Paolo Contis kamakailan sa isang panayam ni Boy Abunda. Dito nailahad niya ang ilang detalye ng kanilang paghihiwalay ngunit marami ang nakapansin na tipid ito makasagot at ingat na ingat sa kanyang binibitawang mga salita.

Read also

Cristy Fermin, dinepensahan si Paolo Contis: "May dahilan na matindi diyan"

LJ Reyes at Lian Paz, naka-follow sa isa't-isa sa Instagram
LJ Reyes (@lj_reyes)
Source: Instagram

Napansin naman ng mga netizens na naka-follow pala sa isa't-isa sina LJ Reyes at Lian Paz sa Instagram.

LJ Reyes at Lian Paz, naka-follow sa isa't-isa sa Instagram
Photo from LJ Reyes and Lian Paz (@ liankatrina, @lj_reyes)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Parehas mang nakarelasyon ni Paolo, hindi si LJ ang naging third party sa relasyong Lian at Paolo dahil taong 2012 pa sila hiwalay samantalang anim na taon pa lamang ang relasyon nina LJ at Paolo.

Si LJ Reyes o Lourna Jane Pujeda Reyessa totoong buhay ay isang Filipina actress. Sumikat siya nang tangahaling isa sa Final Four sa 2nd season ng reality talent search ng GMA StarStruck.

Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent. Kamakailan ay naging usap-usapan din ang reaksiyon ni LJ Reyes dahil sa pansamantalang pagkakawalay sa ama ng kanyang anak.

Larawan ng isang proud at protective na ama ang aktor sa kanilang anak na si Summer. Hindi nito pinalalampas ang negatibong komento sa kanyang anak. Kamakailan nga ay kinaaliwan ang garahe nina Paolo at LJ na ginawa nilang park para kay Summer.

Read also

Paolo Contis, piniling 'di magsalita matapos ang pahayag ni LJ Reyes sa kanilang hiwalayan

Kamakailan ay hindi pinalampas ni Paolo ang malisyosong pagtatanong ng isang netizen kay LJ Reyes.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel