Video ni Paolo Contis kasama ang 'mystery girl', viral sa gitna ng kontrobersya

Video ni Paolo Contis kasama ang 'mystery girl', viral sa gitna ng kontrobersya

- Viral na sa social media ang video ni Paolo Contis kasama ang 'mystery girl'

- Gayunpaman, hindi malinaw kung kailan kinuha ang nasabing video ngunit dahil sa paglabas ng balitang hiwalay na sila ni LJ Reyes, naging mainit na usapin ito

- Makikita sa nasabing video na nakahawak ang kasama niyang babae sa braso ng aktor

- Taliwas naman sa unang mga litratong sinasabing kuha sa Baguio, ang video na kumalat ay kuha umano sa isang simbahan sa Pangasinan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi pa nagsasalita si Paolo Contis kaugnay sa paghihiwalay nila ni LJ Reyes na kamakailan lang ay kinumpirma ng aktres. Gayunpaman, sa kabila ng kanyang pananahimik ay naging maingay lalo ang kanyang pangalan lalo na sa pag-viral ng video kung saan kasama niya ang isang babae.

Video ni Paolo Contis kasama ang 'mystery girl', viral sa gitna ng kontrobersya
Paolo Contis (@paolo_contis)
Source: Instagram

Hindi malinaw kung kailan nakuhanan ang nasabing video ngunit kasunod lamang ito ng paglabas ng litrato kung saan makikita si Paolo kasama ang 'mystery girl' na diumano ay kuha sa Baguio.

Read also

Paolo Contis, piniling 'di magsalita matapos ang pahayag ni LJ Reyes sa kanilang hiwalayan

Samantala, ang video na mainit na pinag-uusapan ngayon ay kuha naman umano sa Manaoag Church na bahagi na ng lalawigan ng Pangasinan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Makikita sa nasabing video ang paglalakad ni Paolo kasama ang babaeng nakasuot ng sweater na kagaya sa mga lumabas na pictures. Nakahawak ito sa braso ng aktor habang naglalakad.

Si Paolo Contis ay isang aktor at komedyante. Nakilala siya sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng youth-oriented show na "Ang TV." Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent.

Kamakailan ay naging usap-usapan din ang reaksiyon ni LJ Reyes dahil sa pansamantalang pagkakawalay sa ama ng kanyang anak.

Larawan ng isang proud at protective na ama ang aktor sa kanilang anak na si Summer. Hindi nito pinalalampas ang negatibong komento sa kanyang anak. Kamakailan nga ay kinaaliwan ang garahe nina Paolo at LJ na ginawa nilang park para kay Summer.

Read also

LJ Reyes, pinabulaanang mutual ang desisyon nilang maghiwalay ni Paolo Contis

Kamakailan ay hindi pinalampas ni Paolo ang malisyosong pagtatanong ng isang netizen kay LJ Reyes.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel