Paolo Contis, piniling 'di magsalita matapos ang pahayag ni LJ Reyes sa kanilang hiwalayan

Paolo Contis, piniling 'di magsalita matapos ang pahayag ni LJ Reyes sa kanilang hiwalayan

- Tikom ang bibig ni Paolo Contis matapos na maipalabas sa The Boy Abunda Talk Channel ang pahayag ni LJ Reyes

- Nagbigay daw ito ng kanyang reaksyon ngunit nakiusap na huwag nang isapubliko

- Alam din umano ng aktor ang pagpunta nina LJ sa Amerika kasama ang anak mga anak nito

- Mahigit isang oras ang naging panayam ni Boy Abunda kay LJ at makikitang labis talaga itong nasaktan sa hiwalayan nila ng kanyang naging nobyo sa loob ng anim na taon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Piniling hindi na muna magbigay ng pahayag ni Paolo Contis kaugnay sa pagsasapubliko ni LJ Reyes ng kanilang hiwalayan.

Nalaman ng KAMI na hindi basta-basta sumasagot ngayon ng tanong si Paolo kaugnay sa mainit na isyu sa kanila ni LJ.

Subalit pinaunlakan nila si Gorgy Rula ng PEP subalit nakiusap daw dito na huwag nang isapubliko ang kanyang ibang mga nasabi.

Read also

Mga nakakakilig na mensahe ni Paolo Contis kay LJ Reyes, binalikan ng netizens

Paolo Contis, piniling 'di magsalita matapos ang pahayag ni LJ Reyes sa kanilang hiwalayan
Photo: @paolocontis
Source: Instagram

Alam din umano ni Paolo ang pagpunta nina LJ kasama ang dalawang anak na sina Aki at Summer sa Amerika.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit nang hingan ito ng pahayag sa paglantad ni LJ sa publiko para kumpirmahin ang kanilang hiwalayan, "Ayaw ko na magsalita, Gorgs," ang naging sagot nito sa kanya.

Sa ianterview ni Boy Abunda kay LJ Reyes, marami itong naibigay na dahilan ng tuluyan na nilang paghihiwalay ni Paolo Contis.

Una na rito ang umano'y para sa kanyang mga anak na naapektuhan sa nangyayari. Ayon naman sa PhilStar, isa sa nabanggit ay ang umano'y third party na pinakahuli na sa tinitingnang anggulo ni Lj gayung sinasabing marami siyang 'rebelasyong' nalaman.

Kasalukuyan nang nasa New York City si LJ kasama ang kanyang mga anak at naroon na rin siya nang maganap ang interview sa kanya ni Boy Abunda.

Read also

LJ Reyes, pinabulaanang mutual ang desisyon nilang maghiwalay ni Paolo Contis

Matatandaang si Lolit Solis pa umano ang nagbigay ideya sa publiko ng hiwalayang Paolo at LJ ayon sa ABS-CBN News.

Si LJ Reyes ay isang Filipina actress na produkto ng GMA reality TV show, StarStruck. Bagaman at kasama lamang siya sa Final Four, sunod-sunod naman ang mga naging proyekto niya sa Kapuso Network.

Mas madalas din na mapanood noon si LJ at ang anak nitong si Summer sa mga vlog ng dating kasintahan na si Paolo Contis.

Agosto 31, nang lumabas ang 'teaser' ng interview ni Boy Abunda kay LJ Reyes kung saan kinumpirma na nito ang paghihiwalay nila ng aktor na si Paolo Contis.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel