Donekla in Tandem, one year na sa YouTube; emosyonal na nag-unbox ng gold play button

Donekla in Tandem, one year na sa YouTube; emosyonal na nag-unbox ng gold play button

- Nagdiwang ng unang anibersaryo ang 'Donekla in Tandem na binubuo nina Donita Nose at Super Tekla

- Sa kanilang anniversary vlog, binalikan nila ang top 3 videos na may pinakamataas na views sa kanilang channel

- Ipinakita rin nila ang pag-unbox nila ng kanilang gold play button sa pagkakaroon ng mahigit na isang milyong subscribers

- Naging emosyonal ang dalawa lalo na nang aminin ni Donita na halos sukuan na niya umano ang kanilang vlog ni Super Tekla

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Umabot na ng isang taon ang YouTube channel ng mga komedyante na sina Donita Nose at Super Tekla.

Nalaman ng KAMI na mula sa una nilang video nang pumutok ang kontrobersya laban kay Tekla dahil sa umano'y isiniwalat ng kanyang dating partner na si Michelle Banaag, umabot na sa 2.96 million o halos 3 million subscribers ang dalawa.

Read also

Donekla in Tandem, nagprangkahan; Inamin ang ayaw na ugali sa isa't isa

Donekla in Tandem, nagdiwang ng 1st anniversary; emosyonal na nag-unbox ng gold play button
Sina Super Tekla at Donita Nose (Photo credit: Donekla in Tandem)
Source: Facebook

Binalikan din nina Tekla at Donita ang top 3 videos na may pinakamaraming views sa kanilang channel.

Isa na rito ang collag nila kasama ang yumaong komedyante na si Mahal at ang kaibigan nitong si Mygz Molino.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sumunod na mayroong pinakamaraming views ay ang pagdalaw ni Donita sa condo noon ni Tekla na mayroong mahigit 8 million views. Nilinaw nila na kaya nila ipinakita ang condo ay hindi para siraan ang mga nakasama ni Tekla sa kanyang condo.

"Para ipakita kung paano sila, sino sila... gusto kong ipakita yung side kung sino sila."

At ang part 2 ng naturang video kung saan malinis na ang condo ni Tekla sa tulong pa rin ni Donita ang may pinakamataas na views na umabot nang mahigit 10 million.

Bukod dito, ipinakita rin ng magka-tandem sa kauna-unahang pagkakataon ang gold play button na kanilang natanggap sa pagkakaroon ng mahigit isang milyong subscribers sa YouTube.

Read also

Jolina Magdangal, kinagiliwan dahil sa cute na reaksyon niya sa kapangalang bagyo

Hindi na napigilang maging emosyonal ng dalawa lalo na ni Donita na inaming halos umayaw na siya sa pagba-vlog.

"Sa totoo lang, halos mawala na po talaga ang 'Donekla in Tandem'... Kung nag-give up lang ako, wala na siguro ito"

Kaya naman labis na nagpsalamat ang dalawa na sa loob ng isang taon, marami ang naniwala at sumuporta na mga taong napasaya nila.

Ang 'Donekla in Tandem' ay binubuo ng mga komedyanteng sina Donita Nose at Super Tekla na unang nakilala sa 'Wowowin.' Kasalukuyan na silang mayroong mahigit na 2.9 million subscribers sa kanilang YouTube channel.

Matatandaang, naglabas sila ng saloobin kaugnay sa pagba-bash nilang natanggap nang kapanayamin nila ang ex ni Tekla na si Michelle Banaag.

Pansamantala nilang inalis sa kanilang YouTube channel ang naturang video ngunit matapos na tanungin ang publiko kung nais nilang mapanood pa rin panayam, ibinalik din nila ito.

Doon ipinakita na maayos nang kinausap ni Donita si Michelle na umaming noon pa man ay ayaw niya ang babaeng ito para sa kaibigang si Tekla.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel