Jolina Magdangal, kinagiliwan dahil sa cute na reaksyon niya sa kapangalang bagyo

Jolina Magdangal, kinagiliwan dahil sa cute na reaksyon niya sa kapangalang bagyo

- Kinagiliwan ng marami ang reaksyon ni Jolina Magdangal tungkol sa bagyong kapangalan niya

- Ayon sa singer-actress at TV host, kung siya lamang umano ang masusunod, umulan daw sana ng maraming 'butterfly'

- Noong late 90's kasi, isa ang butterfly sa kilalang simbolo ni Jolina dahil sa kanyang mga cute outfit

- Dahil dito, maging ang mga kapwa niya 'Kapamilya' ay napa-react din sa viral post na ito ng isa sa mga 'Momshie' ng 'Magandang Buhay'

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naaliw ang mga netizens sa naging reaksyon ng singer-actress at TV host na si Jolina Magdangal sa bagyong kapapasok lamang sa bansa na kapangalan niya.

Nalaman ng KAMI na ibinahagi ni Jolina sa kanyang Instagram ang weather report ng ABS-CBN News na makikita ang #JOLINAPH.

Ayon sa isa sa mga 'momshies' ng Magandang Buhay, kung siya lamang ang masusunod, hindi lamang tubig ulan ang nais niyang bumagsak.

Read also

Cast ng Ang Probinsyano naka-quarantine matapos mag-positive ang ilang cast ng serye

Jolina Magdangal, kinagiliwan dahil sa cute na reaksyon niya sa kapangalang bagyo
Jolina Magdangal (Photo credit: @mariajolina_ig)
Source: Instagram

"Kung ako ang masusunod, gusto ko umulan ng butterflies. Stay safe everyone"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang noong late 90's kung kailan sumikat si Jolina na produkto ng "Ang TV", isa ang 'butterfly' sa mga sumisimbolo sa kanyang pagiging fashionista.

Dahil dito, maging ang mga kapwa niya momshies na sila Karla Estrada at Melai Cantiveros ay napa-komento sa cute na reaksyon ni Jolina.

"Sana mahinahon lang ‘yan tulad mo!” pahayag ni Momshie Karla.

"Be good to us.” ayon naman kay Momshie Melai Cantiveros.

Maging si Vice Ganda ay nagkomento rin ng “Sana cute din ang ulan!”

Gayundin ang mga netizens na may mga cute na komento rin sa post ng idolo nilang si "Jolens"

"Mapapa-chuvachuchu ka while dancing in the rain"
"Stay safe po. Pero dahil Jolina ang pangalan ng bagyo, di tayo pahihirapan niyan"

Read also

Zeinab Harake, nangakong tutulungan si Herlene 'Hipon' Budol

"Ang cute naman Jolina talaga name ng bagyo. Sana nga po momshie Jolens, butterflies ang ulan"

Si Jolina Magdangal-Escueta ay isang actress, television host, singer, at entrepreneur sa bansa. Binansagan siyang Queen of Pinoy Popular Culture.

Sa kasalukuyan, regular siyang napapanood bilang isa sa host ng "Magandang Buhay" kasama sina Melai Canteveros at Karla Estrada.

Bilang isa sa artistang may regular show sa ABS-CBN, pinakita ni Jolina at kasamahan ang pagsuporta sa TV network. Inihayag nila ang kanilang saloobin sa pagsasara ng Kapamilya Network.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel