Cast ng Ang Probinsyano naka-quarantine matapos mag-positive ang ilang cast ng serye
- Marami ang nalungkot sa balitang may iilang cast ng 'FPJ's Ang Probinsyano' na tinamaan at nagpositibo sa COVID-19
- Dahil dito ay naka-quarantine sa kasalukuyan ang buong cast sa kanilang shooting location sa Ilocos
- Kamakailan nga ay napabalita ang pagpanaw ng isang assistant director na tumatayo rin daw talent coordinator ng 'Ang Probinsyano'
- Dead on arrival si Direk Lyan Leonardo Suiza, ganap na 10:40 a.m. sa Gabriel Silang Hospital matapos nitong mawalan ng malay sa kanyang kwarto
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ikinalungkot ng mga tagasubaybay ng teleseryeng "FPJ's Ang Probinsyano" ang balitang tinamaan at nagpositibo sa COVID ang ilan sa mga cast ng serye.
Kaya naman, kasalukuyang naka-quarantine ang cast sa Ilocos.
Ayon sa ulat ng Phil Star sa panulat ni Salve Asis, nauna raw nag-positive ang delivery driver ng supplies ng serye doon matapos itong magkalagnat. Kaya lahat daw ng artista and staff nito, pina-PCR swab test.
Samantala, wala naman umanong nag-positibo sa mga main cast. Kailangan nilang magpasuri uli para matuloy ang taping kapag mag-negatibo na sa COVID ang kanilang mga kasamahan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Isa pa sa nakakalungkot na balita ay ang pagpanaw ni Direk Lyan Leonardo Suiza, sa Gabriel Silang Hospital sa Vigan.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, idineklara siyang Dead on Arrival sa nasabing pagamutan. Gayunpaman, negatibo umano ito sa COVID.
Maging si Lolit Solis ay nagbahagi ng kanyang pananaw kaugnay sa nangyari sa shooting ng serye na maituturing na isa sa pinakamatagumpay na serye dahil sa haba ng panahong nasa ere ito ay marami pa rin ang tumatangkilik.
Ang teleseryeng FPJ's Ang Probinsyano ay unang lumabas sa telebisyon noong 2015 sa ABS-CBN Entertainment. Ito ay base sa pelikula ni Fernando Poe Jr. Ito ang tinaguriang longest-running drama series sa bansa na umabot na sa mahigit 1400 na episodes.
Kamakailan ay muling naging usap-usapan ang nasabing serye matapos mag-viral ang video kung saan makikita ang eksena ni Coco Martin na galit na galit.
Kamakailan ay ibinahagi ni Yassi Pressman ang dahilan ng kanyang pagkawala sa FPJAP.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh