Mygz Molino, hindi makakadalo sa libing ni Mahal dahil naka-quarantine pa rin

Mygz Molino, hindi makakadalo sa libing ni Mahal dahil naka-quarantine pa rin

- Dahil nag-positibo si Mahal Tesorero sa COVID, bilang isa sa mga close contact, kinailangang mag-quarantine ni Mygz Molino

- Kaya naman, kahit matatapos na ang kanyang quarantine bukas, September 6 ay hindi ito makakdalo sa libing ng kanyang ka-tandem

- base sa sinabi ng kapatid ni Mahal, nauna nang nag-negatibo ang result ng antigen test ni Mygz at ng manager ni Mahal

- Gayunpaman, hinihintay nila ang resulta ng swab test upang masiguradong hindi sila tinamaan ng COVID

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami sa MahMygz fans ang nalungkot na hindi makakapunta si Mygz Molino sa paghatid sa huling hantungan kay Mahal Tesorero.

Huling araw umano ng kanyang quarantine si Mygz bukas na siyang araw na nakatakdang ilibing ang kanyang katandem.

Mygz Molino, hindi makakadalo sa libing ni Mahal dahil naka-quarantine pa rin
Mahal Tesorero (@mahal.tesorero)
Source: Instagram

Matatandaang sinabi ng kapatid ni Mahal na nag-negative ang resulta ng ginawang Antigen test kina Mygz at sa manager ni mahal. Gayunpaman, sumailalim sila sa swab tests upang masiguradong hindi sila tinamaan ng COVID dahil sila ang ilan sa mga taong naging close contact ni Mahal bago ito binawian ng buhay.

Read also

Video ng pagiging maalaga ng ina ni Mygz Molino kay Mahal, viral

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami naman ang nakikiramay at nagpapaabot ng kanilang mensahe para kay Mygz at sa pamilya nito na nagsilbing pamilya din ni Mahal nang tumira ito sa kanila.

Be strong Mygz, mahirap man tanggapin ang nangyari kay Ms.Mahal, may plano c Lord para sa inyong dalawa...nakikita ng mga tagahanga ninyo kung gaano mo xa pinahalagahan at minahal..walang katulad ang pag alaga mo kay cutie.
The way Mygz took care of mahal, imagine how sad he is right now
Condolence to Mahal’s family and Mygz I can’t emagine what mygz going through right now and Mahal’s family

Si Mahal na isinilang bilang si Noemi Tesorero ay sumikat sa mundo ng komedya. Kabilang sa kanyang mga nagawang pelikula ay Id'Nal (Mapusok) (2012), Kokey (1997) at Mr. Suave: Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! (2003).

Read also

Cast ng Ang Probinsyano naka-quarantine matapos mag-positive ang ilang cast ng serye

Muling naging maingay ang pangalan ng komedyante matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang mga videos kasama si Mygz Molino.

Ibinahagi niya rin ang kanyang simpleng buhay ngayong hindi na ganoon ka aktibo ang kanyang showbiz career.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel