Lolit Solis, gusto daw maniwalang may "bad element" na nakapasok sa FPJAP

Lolit Solis, gusto daw maniwalang may "bad element" na nakapasok sa FPJAP

- Sa kanyang post kaugnay sa nangyari sa mga cast ng FPJ's Ang Probinsiyano, sinabi ni Lolit Solis na nais parang gusto niyang maniwalang may bad element na nakapasok sa serye

- Aniya, matagal naman na ang nasabing serye ngunit ngayon lang ito nangyari kaya niya nasabi ang tungkol sa bad element

- Kamakailan nga ay may ilang mga artistang naging karagdagan sa mga cast ng serye kaya hindi nakaligtas si Manay Lolit sa komento ng ilang netizens

- Ani Manay Lolit, sana ay kayanin ng panalangin ng mga cast ng serye ang nakapasok na bad element sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang naintriga sa nabanggit ni Lolit Solis na umano'y bad element na maaring nakapasok sa FPJ's Ang Probinsiyano kaya ito nakakaranas ng hindi maganda sa kasalukuyan.

Kaugnay ito sa pagkakaroon ng COVID ng ilan sa kanilang cast na naging dahilan ng pagkaka-isolate nila sa kasalukuyan.

Read also

Cast ng Ang Probinsyano naka-quarantine matapos mag-positive ang ilang cast ng serye

Lolit Solis, gusto daw maniwalang may "bad element" na nakapasok sa FPJAP
Lolit Solis (akosilolitsolis)
Source: Instagram
Gusto ko tuloy maniwala na baka may pumasok na bad element sa taping kaya may nangyaring ganito, samantalang ang tagal na ng Probinsiyano at talagang suwerte dahil hindi pinagsa sawaan ng viewers.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi naman nakaligtas sa mga netizens ang salitang ito ni Manay Lolit.

Sige nga manay, pangalanan mo nga yung bad element na tinutukoy niyo.
Si manay naman ayaw pang sabihin na tao yung bad element na sinasabi mo, kahit di mo tumbukin, alam namin kung sino yung pinatatamaan mo.
Its not the person. Its the world situation ang masasabing bad element.. kahit pa sabihing probinsyano yan.. di imposibleng manyare yan.. just keep on praying.. kaliwat kanan na namamatay sa mundo

Si Lolit Solis ay isang kilalang entertainment writer at talent manager. Naging bahagi siya ng ilang talkshow sa Kapuso Network.

Read also

Eric Fructuoso, emosyonal sa biglang paglago ng mga negosyo: "Para sa mga anak ko"

Bukod sa kanyang pagsusulat sa isang print and digital newspaper, kadalasan ay naibabahagi niya ang kanyang opinyon sa Instagram.

Kaya naman ikinabahala niya nang minsan ay hindi niya mabasa ang mga komento ng netizens sa kanyang posts.

Kamakailan nga ay pinuri ni Lolit si Luis Manzano sa pagsagot nito sa mga bashers niya.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Tags:
Online view pixel