Donekla in Tandem, nag-live para ipaliwanag ang binurang video nila kasama si Michelle Banaag

Donekla in Tandem, nag-live para ipaliwanag ang binurang video nila kasama si Michelle Banaag

- Nag-live sa YouTube ang 'Donekla in Tandem' na sina Donita Nose at Super Tekla ngayong Hulyo 22

- Ito ay upang bigyang linaw ang binura nilang video kung saan nag-sorry ang ex-partner ni Tekla na si Michelle Banaag

- Sa kabila kasi ng pagsasabi ni Donita Nose sa umpisa ng video na tapusin muna ito, marami pa rin silang negatibong komento na natanggap

- Dahil dito, ilang oras matapos ang premiere ng nasabing video ay minabuti na lamang nila na burahin ito

- Humingi rin sila ng opinyon sa kanilang mga followers at subscribers kung nais pa rin ng mga ito na ibalik muli ang nasabing video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang araw matapos na 'mawala' sa kanilang YouTube channel ang panayam ni Donita Nose sa ex-partner ni Super Tekla na si Michelle Banaag, nag-live ang 'Donekla in Tandem' upang ipaliwanag ito.

Read also

Super Tekla, giniit na hindi na sila magkakabalikan ni Michelle Banaag

Nalaman ng KAMI na ilang oras matapos na mag-premiere ang video kung saan nag-sorry si Michelle ay binura na rin ito sa YouTube channel ng Donekla.

Paliwanag ni Donita, sa kanilang teaser pa lamang ng naturang video, marami na agad silang negatibong komento na natanggap.

Donekla in Tandem, nag-live para ipaliwanag ang binurang video nila kasama si Michelle Banaag
Sina Super Tekla at Donita Nose (Photo credit: Donekla in Tandem)
Source: Facebook

Kaya naman sa umpisa ng burado na video, nakiusap si Donita na tapusin muna ito upang mas maunawaan ng publiko ang nais iparating ng interview.

"Wala kaming masamang intensyon sa video na 'yun," paliwanag ni Donita.
"Sobrang ang ganda po ng purpose ng video na 'yun," dagdag pa ni Tekla.

Binigyang diin din ni Donita na matagal na umano siyang nais na kausapin ni Michelle. Aminado ito maging sa nasabing video kung saan kaharap niya mismo ang ex-partner ni Tekla na galit na galit siya rito.

Ngunit kinakitaan umano niya ito ng pagbabago at pagsisisi at nais na daw nitong humingi ng tawad sa nagawa niyang pag-iiskandalo kay Tekla.

Read also

Donita Nose, harapang inamin kay Michelle Banaag na ayaw niya ito para kay Tekla

"Matagal na akong kinakausap ni Michelle, gusto niya akong kausapin ng personal, ayaw ko kasi sobrang galit ako sa kanya sa ginawa niya kay Super Tekla sa maniwala kayo't sa hindi, galit na galit ako sa kanya, kung galit kayo kay Michelle, mas galit na galit ako," ayon kay Donita.

Lumipas daw ang isang taon at kinakitaan naman nila ng pagbabago si Michelle kung saan inaalagaan naman nito ang anak nila ni Tekla na si Baby Angelo at pakiramdam daw ni Donita na natuto na ito.

Kaya naman naisip niya hindi lamang dapat itong humingi ng tawad sa kanya kundi sa mga taong nasaktan sa ginawa nitong pagsisiwalat sa bagay na dapat ay inayos na lamang nila ni Tekla.

Doon nila naisipang gumawa ng video upang magbigay linaw sa mga nangyari at makapag-public apology na rin si Michelle sa matinding iskandalong naidulot nito.

Subalit, sa kasamaang palad, sa teaser pa lamang ng naturang video kung saan marami na ang nakaramdam na si Michelle ang panauhin nina Donita at Tekla sa kanilang vlog, marami na agad silang natanggap na negatibong komento.

Read also

Michelle Banaag, humingi ng sorry sa publiko sa pagpapa-Tulfo kay Super Tekla

Dahil dito, minabuti nilang burahin na muna ang nasabing video kasama si Michelle at humingi na rin sila ng opinyon sa kanilang mga subscribers at followers kung nais pa ng mga ito na ibalik nila ang nasabing video.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang 'Donekla in Tandem' ay binubuo ng mga komedyanteng sina Donita Nose at Super Tekla. Kasalukuyan na silang mayroong 2.84 million subscribers sa kanilang YouTube channel.

Oktubre ng nakaraang taon ng gumulantang sa publiko ang kontrobersiyang kinasangkutan ni Tekla dahil sa pagsusumbong ng kanyang dating live-in partner na si Michelle Banaag sa programa ni Raffy Tulfo.

Ito ang naging dahilan ng paghihiwalay ng dalawa at para tuluyan nang lisanin ni Tekla ang condominium na tinutuluyan nila noon ni Michelle at ilang kaanak nito.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel