Michelle Banaag, humingi ng sorry sa publiko sa pagpapa-Tulfo kay Super Tekla

Michelle Banaag, humingi ng sorry sa publiko sa pagpapa-Tulfo kay Super Tekla

- Muling humarap sa publiko ang dating live-in partner ni Super Tekla na si Michelle Banaag

- Ito ay upang magkaroon na umano ng 'closure' ang isyu na gumulantang sa publiko noong nakaraang taon

- Nag-sorry na rin si Michelle sa publiko dahil sa ipina-Tulfo pa niya si Tekla na sana raw ay pinag-usapan na lamang nila

- Nilahad din niya muli ang ilang dahilan na nag-udyok sa kanya para isa publiko pa ang nangyayari sa relasyon nila si Super Tekla

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kauna-unang pagkakataon, nakapanayam ni Donita Nose ang dating live-in partner ni Super Tekla na si Michelle Banaag.

Nalaman ng KAMI na kaya ito ginawa ng 'Donekla in Tandem' ay upang magkaroon na ng 'closure' ang naging kontrobersiya nina Tekla at ni Michelle na gumawa ng ingay noong nakaraang taon.

Read also

Donita Nose, harapang inamin kay Michelle Banaag na ayaw niya ito para kay Tekla

Kwento ni Michelle, malaking bagay ang mga problemang dulot ng pandemya kaya nagawa niyang dumulog na kay Raffy Tulfo kaugnay sa problema nila ni Tekla.

Michelle Banaag (Photo credit: Donekla in Tandem)
Michelle Banaag (Photo credit: Donekla in Tandem)
Source: UGC

'Stress' na umano silang pareho at aminadong hindi na sila maayos na nagkakausap ukol dito.

"Siguro sa dami na rin ng problema niya, siguro may time din na 'di niya alam yung gagawin niya, bigla niya akong bibitawan, buntis ako noon," pahayag ni Michelle patungkol sa madalas nila noong nagiging problema ng komedyante.

"Simula noon, lumayo na nang lumayo ang loob ko sa kanya," paliwanag pa ni ng ex-partner ni Tekla.

Wala raw kasi noong trabaho noon si Super Tekla dahil sa pandemya at nagkataong nanganak na rin si Michelle sa kanilang baby Angelo.

Ito ang nakikita nilang dahilan ng pagka-aborido na siyang nag-udyok naman kay Michelle na iparating pa sa programa ni Raffy Tulfo ang mga nagiging problema nila ni Tekla.

Read also

Rob Moya, inamin kay Toni Fowler na nagkamali siya ng desisyon sa babae

Subalit sa pagkakataong ito, nagpakita ng pagsisisi si Michelle at humingi rin ng tawad sa publiko sa pagsisiwalat ng problemang dapat sana'y sa kanila na lamang dalawa ni Super Tekla.

"Sorry, sorry talaga... sana pinag-usapan na lang naming dalawa," pahayag ni Michelle sa publiko lalo na sa mga fans at supporters ni Tekla.

Naipalabas ang kabuuan ng pahayag ni Michelle Banaag sa YouTube channel ng Donekla in Tandem.

Subalit sa hindi pa malamang kadahilanan, inalis ang naturang video ilang oras pa lamang itong naipalalabas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Super Tekla ay isa sa kilalang komedyante ng GMA 7. Sumikat siya dahil sa kanilang programang "The Boobay and Tekla Show" (TBATS) at kasalukuyan din siyang namamayagpag bilang isang YouTuber kasama ng matalik niyang kaibigan na si Donita Nose sa kanilang channel na Donekla in Tandem.

Read also

Magkababatang nag-viral sa TikTok, muling kinumusta ng KMJS

Oktubre ng nakaraang taon ng gumulantang sa publiko ang kontrobersiyang kinasangkutan ni Tekla dahil sa pagsusumbong ng kanyang dating live-in partner na si Michelle Banaag sa programa ni Raffy Tulfo.

Ito ang naging dahilan ng paghihiwalay ng dalawa at para tuluyan nang lisanin ni Tekla ang condominium na tinutuluyan nila noon ni Michelle at ilang kaanak nito.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel