Donekla Tandem, buhos ang natanggap na biyaya matapos ang hinarap na problema

Donekla Tandem, buhos ang natanggap na biyaya matapos ang hinarap na problema

- Ipinagdiwang ng tambalang Donekla ang kanilang panibagong tagumpay sa kanilang pagiging YouTube content creators

- Sa kanilang pagdiriwang ng pagkakaroon nila ng 1 milyon na subscribers, hindi nakaligtaan ng dalawa na magpasalamat

- Mabilis ang pagtaas ng dami ng kanilang subscribers matapos ang unos na pinagdaanan ni Super Tekla na kanya naman napagtagumpayan sa tulong na rin ng kaibigan

- Marami ang natuwa dahil matapos ang kanilang pagdiriwang, hindi nakaligtaan ng dalawa na mamahagi sa ibang tao ng pagkain

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang eskandalong kinasangkutan ni Super Tekla, hindi siya iniwan o pinabayaan ng kanyang mga kaibigan lalo na ni Donita Nose na binansagan ngayong Pambansang Beshy dahil sa pinakita nitong suporta kay Tekla kahit pa noong una na halos karamihan sa mga tao ay humusga sa kanya.

Donekla Tandem, buhos ang natanggap na biyaya matapos ang hinarap na problema

Screenshot from Donkela's YouTube video
Source: Instagram

Masayang ipinagdiwang ng tambalang Donekla ang pagkakaroon nila ng 1 milyong subscribers sa YouTube. Matatandaang kailan lang nang mapagpasyahan ng dalawa na gumawa ng kanilang YouTube channel.

Super Tekla, pinasalamatan ang unang naka-relasyon na nagawa siyang ipagtanggol

Gayunpaman, matapos ang eskandalong kinasangkutan ni Tekla at ng ka live-in partner nitong si Michelle Bana-ag, mabilis na dumami ang kanilang subscribers, dahil sa mga taong nang-usyoso at karamihan ay upang suportahan ang dalawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kasalukuyan, umabot na sa 2 milyon ang subscribers ng kanilang YouTube channel. Sa kanilang 1 million subscribers celebration, hindi kinaligtaan ng dalawa na pasalamatan ang kanilang mga tagasuporta.

Lalong kinagiliwan ng netizens na pagkatapos ng kanilang celebration, namahagi ng pagkain sina Tekla at Donita.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Super Tekla ang isa sa mga sikat na komedyante ng GMA network. Dahil sa angking galing sa pagiging isang stand-up comedian, naging bahagi siya ng programang 'The Boobay and Tekla Show' at maging ng patok na Kapuso variety and game show na "Wowowin".

Tekla, minabuting hindi na kasuhan ang dating live-in partner

Matatandaang matapos magsalita ng ilang tao na malapit kay Tekla tungkol sa akusasyon ng dating kinakasama, naglabas ng kanyang panig ang komedyante. Pinasinungalingan nito ang paratang ni Michelle.

Upang mapatunayan na totoo ang kanyang mga alegasyon, handa umano siyang sumailalim sa lie detector test at pagsusuri kung siya ay gumagamit pa ng pinagbabawal na gamot.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel