Donita Nose, harapang inamin kay Michelle Banaag na ayaw niya ito para kay Tekla

Donita Nose, harapang inamin kay Michelle Banaag na ayaw niya ito para kay Tekla

- Sa kauna-unahang pagkakataon, humarap muli sa publiko ang ex-partner ni Super Tekla na si Michelle Banaag

- Nagpaunlak ito ng pahayag sa 'Donekla in Tandem' upang magkaroon na umano ng closure ang kontrobersiyang kinasangkutan nila Tekla

- Si Donita ang nagsagawa ng interview kay Michelle at doon tahasan niyang sinabi na ayaw niya ito para sa kaibigang si Tekla

- Nagpakita rin umano ng pagsisisi si Michelle sa kanyang nagawa na sana raw ay idinaan na lamang nila sa pag-uusap ni Tekla

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling lumantad sa publiko ang dating live-in partner ni Super Tekla na si Michelle Banaag.

Nagpaunlak ito ng interview kay Donita Nose upang magkaroon na umano ng closure ang isyu na kinasangkutan nila ni Tekla na umabot pa sa programa ni Raffy Tulfo.

Doon, tahasang nasabi ni Donita Nose kay Michelle na ayaw niya talaga ito para sa kanyang matalik nakaibigan.

Read also

Mariel Padilla, sinabi kay Robin na makikipaghiwalay siya 'pag magloko ang asawa

Donita Nose, harapang inamin kay Michelle Banaag na ayaw niya ito para kay Tekla
Donita Nose at Michelle Banaag (Photo credit: Donekla in Tandem)
Source: UGC
"Ako straightforward ako sa'yo di ba... Ayoko talaga sa'yo for Super Tekla."

Ngunit paliwanag naman ni Donita, kahit ano pa man ang kamaliang nakikita niya kay Michelle, saksi naman siya kung gaano ito kamahal ng kanyang kaibigan na si Tekla.

"Sobrang mahal ka niya, saksi ako noon pa, kahit anong gawin mo sa kanya, anomang isyu niyo, problema sa'yo, mag-away kayo, mahal ka talaga ng tao, sobrang mahal ka niya" paliwanag ni Donita kay Michelle.

Kaya naman bilang kaibigan, ginawa na lamang daw unawain ni Donita si Tekla sa kung anuman ang nararamdaman nito kay Michelle.

Gayunpaman, sa kabila raw ng matinding pagmamahal ni Tekla sa kanyang dating kinakasama, tinanong ni Donita bakit nagawa pang ipa-Tulfo ni Michelle ang komedyante.

Ayon naman kay Michelle, stress sa mga problemang dulot ng pandemya ang nakikita niyang dahilan kung bakit tila naaborido na siya at umabot na nga sa 'Wanted sa Radyo' ang problemang sana raw ay pinag-usapan na lamang nilang dalawa ni Super Tekla.

Read also

Tito Vince Flores, sinabing lalong hindi aalis kung may babalik na "epal"

Naipalabas ang kabuuan ng pahayag ni Michelle Banaag mula sa YouTube channel ng Donekla in Tandem.

Subalit ilang oras matapos na maipalabas ang video, agad itong binura sa kanilang YouTube channel.

Hulyo 22, isang araw mula nang mailabas at mabura ang naturang video, ipinaliwanag nina Donita Nose at Super Tekla kung bakit nila kinailangang burahin ang video dala ng mga negatibong komento na nakuha nila bago pa man ito ipalabas.

Hulyo 28, muling in-upload sa YouTube channel ng Donekla in Tandem ang kontrobersyal na panayam.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Donita Nose ay isa sa mga mahuhusay na komedyante ng GMA. Kilala rin siya sa pagiging mahusay na TV host kung saan naging bahagi rin siya ng programang Wowowin. Sa ngayon, namamayagpag ang YouTube channel nila ni Super Tekla na 'Donekla in Tandem.'

Read also

Toni Gonzaga, ibibigay ang kita ng isang vlog kay 'Hipon Girl'; hinangaan ng marami

Kamakailan, hinangaan sina Donita at Super Tekla dahil sa pamamahagi ng mga ito ng biyaya sa mga taong lansangan.

Minsan na rin silang nagbigay din ng tulong sa mga delivery riders na madalas na mabiktima ng fake orders kamakailan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel