Mariel Padilla, sinabi kay Robin Padilla na makikipaghiwalay siya sakaling magloko ang asawa

Mariel Padilla, sinabi kay Robin Padilla na makikipaghiwalay siya sakaling magloko ang asawa

- Nabanggit ni Mariel Padilla ang tungkol sa mga naging reaksiyon ng publiko sa pahayag ng asawang si Robin Padilla sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz kamakailan

- Ito ay kaugnay sa sinabi ni Robin tungkol sa walang lalaking nakakatanngi sa tukso sa kasalukuyang panahon

- Nilinaw ni Robin na ang sinasabi niyang temtasyon ay hindi kagaya sa iniisip ng nakararami dahil aniya kahit tumingin ka pa lamang ay natukso na ang isang tao

- Ayon naman kay Mariel, kahit tanggap pa sa Islam ang pagkakaroon ng higit sa isang asawa, hindi siya papayag na mangyari sa kanya iyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinabi ni Mariel Padilla na hindi siya papayag na maging asawa pa rin siya ni Robin Padilla kapag nagkaroon ng iba pa itong asawa. Kahit simula pa lang daw ng kanilang pagsasama ay nilinaw niya na ito.

Read also

Robin Padilla, nilinaw ang kanyang pahayag na "pag-muslimin mo na lang"

Mariel Padilla, sinabing hindi siya papayag na may ibang magiging asawa si Robin
Photo from Mariel Padilla (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Kahit tanggap iyon sa Islam, hindi umano kaya ni Mariel yung ganoon kaya kapag ginawa daw iyon ni Robin ay maghihiwalay na rin sila.

Nabanggit din ni Mariel ang kontrobersiyal na tsismis na umano ay nabuntis ni Robin si Mocha Uson. Gayunpaman ay hindi na naipakita sa nasabing video ang pahayag ni Robin patungkol dito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Mariel Rodriguez ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Kinabiliban ang mag-asawa dahil sa magandang pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay pinagawaan pa nila ito ng libreng pabahay.

Read also

Hidilyn Diaz, unang in-interview ang kanyang coach at BF na si Julius Naranjo

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel